Chapter 63

2.3K 79 8
                                    


Seira Anthonette's P. O. V.

Hindi pa rin tumitigil ang ulan. Parang babagyo, hindi ko naman masisisi ang panahon dahil tapos na ang summer. Tag-ulan na.

"When will Dada go? It's still raining. Can't you just stay?" tanong ni Wayne habang nakatitig sa bintana.

Napatingin ako kay Iverson na nakasuot na ng kaniyang jacket, dala ang maleta at bag nito. Ngumiti si Iverson kay Wayne saka umupo para magpantay sila.

"No, Dada can't be late in his flight. I must go."

"Kaso... Iver. Paano ka namin maihahatid sa terminal kung ganito kalakas ang ulan?" tanong ko at lumapit sa kaniya.

Tumayo siya at ngumiti sa akin. Tinapik niya ang balikat ko.

"It's fine, I can go alone. I don't want the both of you catch cold because of rain." Tumingin siya sa bintana.

Umaanggi pa ang ulan. Labag man sa loob kong hayaan siyang umalis mag-isa, wala naman akong magagawa. Gusto ko mang ihatid siya pero hindi ko maiiwanan ang anak ko dito at si Mama.

"The cab will come in a moment," ani Iver sabay tingin sa kaniyang cellphone.

"You already called one?" tanong ko.

Tumango siya. Binitwan niya ang maleta saka lumapit kay Mama para magpaalam. Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil pagkatapos nito ay maaaring hindi nq ulit kami magkita. Lalayo na siya at magkakaroon na ng bagong path sa buhay. Iba na ang tatahakin niya.

"Dada will miss you," aniya kay Wayne sabay halik sa tuktok ng buhok nito.

"Take care always Dada. You can still visit us here or I can call you when I am missing you," sabi naman ni Wayne.

Napangiti ako. Masaya akong na-appreciate at naiisip ni Wayne 'yon dahil matapos ang lahat, si Iver pa rin talaga ang tumulong sa akin sa pagpapalaki sa anak ko.

Lumapit sa akin si Iverson. Ako na mismo ang unang yumakap sa kaniya. Maaaring ito na ang huli, ngunit sana hindi niya makalimutan ang pagkakaibigan namin sa loob ng ilang taon.

"Thank you for everything," bulong ko.

"Thank you for coming into my life, Seira." Bumitaw siya sa yakap ko.

Isang busina ng sasakyan ang gumawa ng ingay mula sa labas. Sabay-sabay kaming napatingin sa bintana at nakitang may kotse roon.

"I think that's the cab." Kinuha na ni Iverson ang maleta niya sabay hila doon.

"Mag-iingat ka."

Kumaway sa amin si Iverson. Bumaba ang driver ng sasakyan dala ang malaking payong. Nakatayo lang kami sa bintana habang pinapanood sila na ipasok ang maleta ni Iver sa kotse. Kumaway sa akin si Iver bago tuluyang sumakay sa passenger seat.

Napabuntong hininga ako. Sana magkaroon siya ng safe flight at makapalapag sa America ng ligtas. Abala ko pa sa kaniya ang pagre-resign ko sa company namin na siya ang mag-aasikaso.

"Dada is gone." Bakas ang lungkot sa boses ni Wayne. Akmang yayakapin ko siya pero nagsalita pa itong muli. "It's fine since I have Ninong next to us."

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon