Jairus Gael's P. O. V.
Maaga akong gumising, naligo at nagpagwapo. Baka mapansin ni Seira ang kagwapuhan ko kapag naglagay ako ng gel sa buhok. Nagsuot ako ng polo at simpleng shorts, katerno ng leather sandals kong black.
"Sir, good morning po. Ano pong almusal ang gusto niyo kainin?" tanong ni Clara habang pababa ako ng hagdanan.
"Hindi na, mamaya na lang ako mag-a-almusal—"
Napatigil kami nang biglang tumunog ang doorbell. Agad na lumakad si Clara para tignan ang monitor ng CCTV sa labas.
"Sir, ang Mommy niyo, ho."
Agad akong sumunod sa kaniya palabas ng bahay. Nagmamadali siyang buksan ang gate para papasukin ang kotse ni Mommy.
"You're early!" sigaw ko.
Bumaba ang driver ni Mommy ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Nakasuot si Mommy ng formal attire, tinanggal niya ang glasses nito bago lumapit sa akin.
"I have a business meeting in Pampangga. So, I brought all the documents you need to work with." Tinuro ni Mommy ang likod ng sasakyan.
Mabilis na kumilos ang driver niya saka binuksan ito.
"I brought the half of my paper works para maasikaso mo. Nakalagay naman kung kaninong department 'yan," aniya sabay tapik sa braso ko.
"Thanks, Mom. Do I have a deadline to finish all of this?" tanong ko.
"Well, you have two weeks. Then another two weeks for the half of it na natitira sa stock room."
Napatango ako sa kaniya. Nang lingunin ko ang driver ni Mommy ay halos bumagsak ang panga ko sa dami ng hinahakot niya.
"Sir, saan po natin ilalagay ang mga 'to?" tanong niya.
Hindi kakasya ang lahat ng iyon sa kwarto ko, sobrang dami. Liliparin naman ang mga papeles na 'to sa balcony kaya mas mabuting dito na lang sa sala.
"Put it in the living room," sagot ko.
Nilingon ko si Mommy na abot langit ang ngiti.
"M-Mom, I thought kalahati lang?" tanong ko.
"What? Kalahati naman talaga 'yan, besides... I'll pay you a decent price." Tumaas-baba ang kilay niya na parang nang-aasar pa.
"Bakit feeling ko pinapahirapan mo rin ako?" tanong ko at napahalukipkip.
"Anak, I'm doing this for you to get in touched sa ating company. Lahat 'yan ay latest, month of June." Tinuro ni Mommy ang mga papeles.
"Pakiramdam ko CEO pa rin ako nito," sambit ko.
"Sa 'yo lang naman talaga nakapangalan ang lahat ng ari-arian namin, the attorney knows that. Ikaw ang nag-iisa naming anak at kahit mapalitan pa ang CEO, all those properties are in your name, Jairus."
Napatitig ako kay Mommy. She's looking into my eyes like asking for hope. They really want me to treasure the company they have like what they're doing right now.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...