Chapter 2

6K 145 13
                                    

Seira Anthonette's P.O.V

Dala ko ang mga libro para sa accounting, ibabalik ko na sa locker. Hindi pa man ako nakakababa ng hagdanan ay nakita ko si Jairus na kumakaripas ng takbo papalapit sa akin.

"Oh? Sinong humahabol sa 'yo?" tanong ko.

"T*ngina! Nakuha ko papel mo, nagkapalit tayo ng yellow pad kagabi! Nagalit tuloy prof. ko! Sino daw ba yung Seira Anthonette."

Hawak niya ang pad paper, nakita ko na sulat ko nga iyon. Scratch paper ko sa balancing kagabi, sabay kasi kami gumawa ng assignments.

"Paano 'yan? Sinabi mo na may gawa ka nasa akin lang," ani ko at tumalikod.

Naglakad ako papasok ng classroom namin. Pumunta ako sa bag kong nakapatong sa upuan ko. Hinanap ko ang yellow pad na naroon.

"Kailan ba kayo aamin na magshota kayo?" tanong ni Danielle na kaklase ko.

Nakaupo siya sa lamesa dahil lunch break, kasama niya ang barkada niya at nagdadaldalan.

"Hindi nga kami magshota!" ani ko at kinuha ang yellow pad sa bag ko.

Lumapit ako kay Jairus at inabot iyon.

"Magkaibigan kami ni Seira, huwag niyo na kami asarin," ani Jairus.

Naglakad na kami pababa ng hagdanan. As usual, sabay na naman kaming pupunta sa cafeteria. May group of friends naman kami pero sadyang kami lang talaga ang pinaka-close dahil mag-best friend kami since elementary.

"Nag-message sila Sammy sa group chat. Nasa cafeteria na raw sila. Nag-send pa ng picture na kumakain. Mga tarantado hindi tayo hinintay!" ani Jairus.

Natawa naman ako sa kaniya. Ewan ko, pero yung mga simpleng reaksyon niya talaga nakakapagpangiti sa akin.

"Katabi lang kasi ng cafeteria yung building ng engineering," ani ko.

Dahil yung mga kaibigan namin noong highschool ay nag-aaral na ngayon ng engineering. Tatlo silang mga nag-engineer, iba-iba lang din ng profession. Si Sammy ay Civil engineering, si Gil naman ay Mechanical engineering, at si Raiko naman ay Computer engineering.

"Mauna ka na sa cafeteria, dadalhin ko muna 'to sa locker," ani ko at huminto sa paglalakad.

"Samahan na kita," aniya.

Tumango ako at dumiretso sa hall na puno ng lockers, nang mailagay ko na sa locker ko ang mga libro ay nagtungo na kami sa cafeteria. Nakita namin kaagad sina Sammy, akala namin ay kumakain na sila pero nang-asar lang pala sa group chat dahil hindi pa talaga nila ginagalaw ang pagkain nila.

"Jairus, Seira. Binilhan na namin kayo ng lunch, iisa lang naman ang putahe, bayaran niyo 'ko!" ani Sammy.

Nakangiti akong umupo sa bakanteng upuan katabi ni Gil. Naupo naman sa harapan ko si Jairus. Nilabas ko ang wallet ko at kumuha ng dalawang twenty para ibigay kay Sammy.

"Pare, nakatingin sa 'yo yung crush mo," ani Raiko kay Jairus at siniko niya ito.

Napatingin naman ako sa direksyon kung saan nakatingin si Raiko at Jairus. Nakita ko si Vinalyn kasama ang dalawang babae, kumakain sila at nakangiti siya kay Jairus. Bahagyang umusog si Vinalyn na tila ba pinapakitang wala siyang katabi.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon