Seira Anthonette's P. O. V.
Hindi ako makatingin ng tuwid kay Jairus, sobrang naiilang ako. Hindi ko rin inaasahan ang mga nangyare kanina sa school ni Wayne. Pakiramdam ko ay bumabalik na naman ang nararamdaman ko sa kaniya na kailangan ko pigilan.
"Nandito na tayo," ani Jairus at hininto ang sasakyan.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at mabilis na lumabas ng passenger seat. Binuksan ko ang backseat para kuhanin si Wayne.
"Mama, our prizes!" masayang sabi ni Wayne.
"Kukuhanin ni Jairus," sabi ko.
Kinarga ko si Wayne habang si Jairus ay nagtungo sa trunk para kuhanin ang 20 inches na TV at pagkain ni Wayne na napalanunan niya.
"Lola would be proud if she saw this," ani Wayne.
"Of course, anak."
Nang maisara ni Jairus ang pinto ng sasakyan ay nagtungo na kami sa bahay namin. Dala ni Jairus lahat ng gamit. Nadatnan ko naman si Mama sa sala habang nagce-cellphone.
"Mama, nandito na po kami," sabi ko.
"T-Teka, ano 'yang dala ni Jairus?" gulat na tanong ni Mama nang makita si Jairus sa aking likod.
Ipinatong ni Jairus sa center table ang TV pati na pagkain ni Wayne. Inusisa ni Mama ang TV.
"Nanalo kasi kami ni Seira sa palaro para sa parents, grand prize po itong TV." Abot langit ang ngiti ni Jairus.
Napabuntong hininga ako, naalala ko na naman kung paano niya ako buhatin, nakakainis.
"Ninong is very strong, he can carry Mama longer than fifteen seconds—" tinakpan ko ang bibig ni Wayne.
"A-Anak..."
"Paper dance kasi yung laro, Tita Sonya. Sobrang gaan nga ni Seira, kaya ko buhatin maghapon," pilyong sabi ni Jairus.
"Sus, kaya pala nanalo kayo, aba'y mukhang masaya ang nangyare sa palaro," ani Mama.
"Sobrang saya nga, Tita Sonya. May kasama pang TV!" mayabang na sabi ni Jairus.
Napailing ako at hinila si Wayne sa kwarto.
"Anak, magbihis ka na. Magluluto lang si Mama ng dinner."
"Okay, Mama!"
Lumabas ako ng kwarto at nakitang nagkukwentuhan pa rin si Mama at Jairus. Hindi naman sila malapit sa isa't isa noon pero ngayon ay parang mas close pa si Jairus kay Mama kaysa sa akin.
"Jairus, pwede ka na umuwi at magpahinga. Salamat sa tulong mo, napasaya natin si Wayne," sabi ko.
Ayoko na siyang makita, ang dami kong naalala. Mababaliw ako lalo kung nararamdaman ko ang presensya niya sa paligid.
"Teka, anak. Pakainin mo na rin dito si Jairus ng hapunan. Hindi ba't may pinya diyan. Magpi-pininyahan ka, 'di ba?" tanong ni Mama.
"Mukhang masarap 'yon, Tita Sonya. Baka naman pwede mong ipatikim sa akin yung luto mo, Seira." Napatingin sa akin si Jairus.
Napalunok ako ng ilang beses. Ang kulit talaga ni Jairus, hindi pa rin tumitigil!
*******************
Pagsapit ng gabi, umuwi na rin si Jairus matapos kumain. Nag-half bath naman kami ni Wayne bago humiga sa kama. Nang matapos kong painumin ng gatas si Wayne ay ibinalik ko sa kusina ang baso. Pinatay ko na ang ilaw sa buong bahay at akmang hihiga na sa tabi ni Wayne nang tumunog ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...