Seira Anthonette's P. O. V.
Napatingin ako sa kotse ni Jairus na nakaparada na sa harapan ng bahay namin. Gusto kong umatras, pero hindi ko na magawa pa dahil sa anak ko, na anak niya rin.
"Seira, tara na." Binuksan ni Jairus ang gate.
Hindi ako sumagot, nauna pang tumakbo si Wayne. Naupo siya sa backseat. Habang ako ay iniisip kung saan ako uupo dahil kaming tatlo lang. Lumakad ako patungo sana sa tabi ni Wayne pero hinawakan ni Jairus ang kamay ko.
"Dito ka ulit," nakangiting sabi ni Jairus.
Napatingin ako sa passenger seat, binuksan niya ang pinto. Wala akong imik na sumakay doon. Sino pa ba ako para magreklamo, ako lang naman ang nabuntis niya. Siguro kung hindi siya nag-propose kay Vinalyn, baka inamin ko pa ang pagbubuntis ko. Kung naramdaman ko lang talaga na hindi niya papakasalan si Vinalyn, pero naging desidido siya.
Tandang-tanda ko pa ang hirap ko sa pagse-set up, para lang doon. Ang tagal kong nag-ayos, mabuti na lang na-compliment ni Vinalyn. Sa totoo lang, ganoon ang dream proposal ko, private, sa bahay lang or private restaurant.
"Mama, it's like we are a complete family na. I will tell Dada about this!" excited na sabi ni Wayne.
Nilingon ko siya.
"A-Ano, anak?"
"I always saw a movie where a complete family is having a trip, like my Ninong is the father, you are the mother and I am the baby!"
Napaawang ang labi ko, may kurot sa puso ko dahil alam kong totoo ang sinasabi ni Wayne.
"Ikaw talaga, Wayne. Kanino ka ba nagmana? Ang galing mong bumanat. Mama mo mahina sa ganiyan," natatawang sabi ni Jairus habang nagmamaneho.
"Ano ka ba? Huwag mo na nga sulsulan yung bata..." gigil kong sambit na pabulong kay Jairus.
"Biro lang..." aniya.
******************
Pagdating namin sa mall ay dumiretso kami sa second floor kung nasaan ang malaking arcade. Wala pa man din ay tumatalon na si Wayne sa tuwa.
"Wayne, baka madapa ka pa. Stop jumping na. Iinit ang ulo ng Mama mo, baka bumuga ng apoy," tumatawang sabi ni Jairus.
"Jairus!" sita ko.
Tumingin ito sa akin, tinaasan ko siya ng kilay pero patuloy siya sa pagngisi. Napaiwas naman ako ng tingin dahil tila ba kakaiba ang ngiti niya ngayon, parang sobrang saya naman niya.
"Mama is still pretty even if she is mad."
Natuwa ako sa sinabi ni Wayne. Sinasabi ko na nga ba, kahit anak ko lang ay sapat na. Hindi na kailangan ng ama niyang bwisit, mukhang hanggang ngayon hindi nagseseryoso. Pangisi-ngisi lang.
"Your mother is always pretty," ani Jairus.
Nagtama ang mga mata namin ni Jairus kaya nag-iwas ako ng tingin. Pinauna ko silang pumasok sa arcade. Pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko sa sinabi ni Jairus. Maraming tao at mga bata, pumila agad si Jairus sa bilihan ng tokens. Nagulat ako nang limang daan ang i-abot niya sa cashier at hindi man lang siya binigyan ng sukli, bagkus isang malaking plastik na puno ng tokens ang binigay sa kaniya.
"Jairus!" Lumapit ako. "Parang sobrang dami naman niyan, paano niyo 'yan mauubos?" ani ko.
"Mama, Ninong said that we will try all of the games here!" masayang sigaw ni Wayne.
Napaawang ang labi ko. Ayoko namang pigilan ang saya na nararamdaman ng anak ko ngayon. May mga bagay talaga na hindi ko naipaparamdam sa kaniya, dahil minsang pinagbawalan ko siya sa pagbibili ng mga tokens at nasasayang lang. Iba pala talaga ang saya niya kapag dito naglalaro.
Nagtungo sila sa isang laro na ihahagis mo ang bola sa mga magnanakaw na nasa malaking screen. Naghulog si Jairus ng tokens at nagsimula silang maglaro.
"There Ninong! Throw more!"
Tuloy-tuloy ang pagbato ni Jairus, ganoon din si Wayne. Naka-abot sila hanggang level 3 kung saan may kailangan i-beat na score.
"I will use two balls," ani Jairus kay Wayne.
Dahil maliit ang kamay ng anak ko ay isang bola lang ang kaya niyang hawakan.
Nagsimula ang laro. Hindi ko namamalayan ang pagka-aliw ko sa mag-ama habang naglalaro. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng litrato.
"Game over!" sigaw ni Wayne.
"Let's try that one, claw machines?" tanong ni Jairus.
Tumango si Wayne. Nakasunod lang ako sa kanila habang naglalaro sila. Ilang beses na naghuhulog si Jairus ng token pero hindi pa rin niya makuha ang teddy bear sa loob ng machine.
"Ninong, can you try that one? I want cars," ani Wayne.
"Sige."
Tumabi ako sa claw machine. Pinanood ko si Jairus na maglaro.
"I want that one, a Ferrari car."
"Wow, how did you recognize this little toy? Alam na alam mo ang Ferrari car," ani Jairus.
"Well, in America, there's a lot of beautiful cars. My favorite is Ferrari color blue. I told my Dada that my dream is to ride a car like a Ferrari."
Napakunot ang noo ko sa kwento ng anak ko, hindi ko alam na gusto niya pala ang kotseng Ferrari. Iba talaga kapag boys talk.
"Ninong will get that car. We have many tokens!" ani Jairus.
Lumipas ang ilang minuto, halos maubos na ang tokens pero hindi pa rin nakukuha ni Jairus ang kotse.
"Tsk!" daing ni Jairus at napabuntong hininga.
"If you can't get it, it's okay," ani Wayne.
"Magkano ba 'to? Bibilhin ko na lang 'tong buong arcade---"
"Jairus!" sita ko sa kaniya.
"Nakakapikon na, ayaw kumagat ng kotse!"
"Maybe we should eat first, because I'm hungry, Mama..." hinawakan ni Wayne ang kamay ko.
"Sige, anak. We will eat first."
Tumingin sa akin si Jairus at tumango. Lumabas kami sa Arcade, nakabusangot ang mukha ni Jairus dahil sa pagkabad-trip nang hindi niya makuha ang laruang gusto ni Wayne.
Sa laki ng Mall ay malayo-layo pa ang lalakarin namin patungo sa fast food chain na gustong kainan ni Wayne.
"Mama, I want to eat fried chicken."
"Sige anak--"
"How many? Ninong will buy you everything you want," ani Jairus.
Napatigil siya at napatitig sa akin dahil tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang nakuha ko naman siya sa tingin.
"Uh--ano... Mag-diet ka pala, Wayne. You can't eat too many kasi you'll feel full and baka mag-vomit ka pa," ani Jairus.
Napangiti naman ako.
Akmang papasok na kami sa fast food chain ngunit isang babae ang biglang humawak ng braso ni Jairus. Napaatras ako sa gulat.
"Jairus! Long time no see!"
***************
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...