Chapter 23

4.6K 150 32
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

Hawak ko ang aking tiyan, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ngayong alam ko na talaga na buntis ako, parang sobrang arte ng pag-iingat ko sa sarili ko. Ngayon kasi ay nagpa-practice kami ng graduation ceremony, paulit-ulit kaming lumalakad sa stage at nagba-bow.

Kinakabahan naman ako na baka matagtag ang katawan ko at mapasama ang baby ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong may laman ang tiyan mo, nabubuhay na kailangan mong ingatan. Nagiging praning na ako.

"Seira, gusto mo ng tubig?"

Napatingin ako kay Jairus, nakatayo ito sa gilid ko at may hawak na bottled of water.

"Salamat," ani ko at tinanggap ito.

Pinunasan ko ang aking pawis saka uminom ng tubig na ibinigay niya. Umupo siya sa tabi ko, napakunot naman ang noo ko, baka mamaya makita na naman kami ni Vinalyn at bumunganga na naman siya.

"Seira, mamaya alam mo na."

Napabuntong hininga ako, heto na naman siya para ipaalala ang proposal na magaganap mamaya.

"Oo, na-set up naman na."

"Buti na nga lang pumayag yung parents niya kaso hindi sila makakasama dahil may trabaho, hahabol naman daw sila Mama na mapanood yung proposal ko, pero mamaya ikaw mag-video, gamitin mo cellphone ko." Pabulong lamang siya magsalita dahil baka marinig ng ibang tao.

"Oo na, sige na. Umalis ka na, baka makita ka pa nila Sir." Pagtataboy ko sa kaniya.

Tumango naman siya at agad na umalis. Napabuntong hininga naman ako, muling naglakad ang mga teachers paakyat ng stage. Hudyat para magsimula na naman ang aming practice.

********************

Nang matapos ang mahaba naming araw, kasama ko si Jairus sa parking lot. Dahil kailangan ay maihatid niya raw ako kaagad sa bahay nila since ako ang maghahanda roon. Masakit man sa akin pero ito na ang huli kong pagtulong sa kaniya.

"Seira, mamaya nga pala pakibuksan yung ilaw sa pool," utos niya.

"Sige, ako nang bahala."

"Tapos yung flowers paki-spray ulit, habang sinusundo ko si Vinalyn ikaw na muna sa bahay."

"Oo."

"Baka dumating sila Mama, sabihin mo huwag muna sila lumabas sa garden. Hayaan muna nila na sumagot si Vinalyn sa tanong ko bago sila lumabas. Ayoko naman ma-pressure si Vinalyn sa pagsagot dahil makikita niyang nandoon si Mama."

"Oo."

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, huminto ang sasakyan dahil narito na kami sa bahay. Napatitig ako sa mukha niya, tila ba kakaiba ang mga tingin niya sa akin.

"Salamat, Seira. Alam ko madami ka nang sakit ng ulo dahil sa akin, sana huwag ka mapagod na tulungan ako at mag-stay ka lang sa tabi ko."

Napalunok ako sa sarili kong laway, hindi niya alam na malapit na akong mawala sa tabi niya. Unti-unti ko na ring tinatanggap na sa kompetisyong ito sa puso ni Jairus, panalo si Vinalyn.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon