Chapter 42

4.3K 137 27
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

Kinagabihan, bumalik ako sa room ni Mama, bit-bit ko ang take out na pagkain mula sa fast food chain. Nag-request kasi ang bata, since nagka-allergy siya kanina, gusto ko siyang maging okay.

"Wayne?" ani ko pagpasok ng room.

"Seira, pahinga na kayo. Ako na dito." Hindi ko inaasahang makita si Kuya.

Ang huli niyang text ay male-late siya ng bantay rito dahil sa trabaho niya. Mukhang maaga siya ngayon.

"Anak, Seira. Magpahinga na kayo ng apo ko. Hayaan niyo at gagaling din ako." Napatingin ako kay Mama na nakaupo sa kaniyang kama habang may table in bed at pagkain na bigay ng hospital.

"Okay lang kami, Ma. Nagdala ako ng dinner. Kumain ka na ba, Kuya?" Nilapag ko sa lamesa ang pagkain.

Nakangiti si Wayne na lumapit sa akin at pinanood akong ilabas sa plastik ang mga tupperware. Napansin ko naman ang paninitig ni Kuya kay Wayne.

"Kumain na ako. Nga pala, Seira." Nilapit ni Kuya ang kaniyang mukha sa aking tenga. "Kamukha ni Jairus anak niyo--"

Agad ko siyang siniko. Pinanlakihan ko siya ng mata habang si Kuya ay tumawa na parang nang-aasar pa. Alam naman niyang iniyakan ko 'yon, tapos lolokohin pa ako.

"Nakakatuwa namang makita na magkasundo kayo ng Kuya mo. Nagsisisi pa rin ako na napaglayo ko kayong dalawa. Kasalanan ko..."

Napatingin kami kay Mama, bakas ang lungkot sa mukha niya.

"Ma, okay na 'yon. Ang mahalaga ay yung ngayon. Mag-focus ka lang sa pagpapagaling mo, kainin mo lahat 'yang bigay ng nurse. Sakto, puro gulay para lumakas ka, Ma." Lumapit ako kay Mama at niyakap siya.

"Gumastos ba kayo sa hospital na 'to? Hindi ko nasabi sa inyong may PhilHealth ako. Hayaan niyo, mababalik ko ang mga nagastos niyo," ani Mama.

"Naku, huwag na, Ma."

"Hindi na kailangan, Mama."

Sabay kaming nagsalita ni Kuya.

"Oh siya, kumain na kayo. Seira, tulungan mo nga si Wayne maghimay ng manok, nahihirapan ang apo ko." Napatingin si Mama kay Wayne.

Agad akong lumapit sa anak ko para tulungan siya sa kaniyang pagkain. Kinuha ko naman ang pagkain ko saka nagsimulang kumain. Habang si Kuya ay kausap si Mama.

"Mama, where is Ninong? Bakit po hindi siya bumalik?"

Napatigil ako sa pagnguya nang hanapin na ni Wayne si Jairus. Heto na ang kinaka-kaba ko. Na mapalapit siya sa kaniyang ama at hindi na niya kayang layuan ito.

"Babalik na lang daw siya bukas, anak. He has things to do in his work." Ngumiti ako.

"Okay, Mama. We will go home after we eat?"

"Yes, anak."

"Great, I already feel sleepy, Mama."

"Finish your food, then uuwi na tayo," ani ko.

******************

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon