Jairus Gael's P. O. V.
Nagising ako nang may maramdaman akong kislot sa dibdib ko. Agad akong napadilat at laking gulat ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Seira. Nanlalaki ang mga mata nito sabay atras.
"N-Nagising ba kita?" tanong ni Seira.
Umiling ako at naramdaman ang ngalay ng aking braso dahil nakahiga si Wayne sa akin. Dahan-dahan ko itong inalis sa braso ko. Napansin kong nagkaroon kami ng kumot, mukhang nilagyan niya kami nito.
"Kanina ka pa ba diyan? Sorry, nakatulog kami ni Wayne. Sabi ko magpapahinga lang kami saglit, pati kasi si Wayne na-stress na sa dami ng gawain ko. Ang bait niya, tinutulungan niya ako sa pag-aayos ng mga documents," sabi ko at ngumiti sa kaniya.
Totoo naman lahat ng sinabi ko. Importante nang alam niya ang ginawa namin dahil baka isipin niya humilata lang ako magdamag.
"Ganoon ba? Siguro huwag na natin gisingin si Wayne. Nakapagluto na kasi ako, kaso hindi pa siya kumakain," nag-aalala niyang sabi.
Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Sana lang ay hindi niya isiping pinagod ko ang bata, actually si Wayne pa ang nagtanggal ng pagod ko.
"Bubuhatin ko na lang si Wayne pauwi sa inyo," sabi ko at tumayo.
"S-Sige..." Hindi ito makatingin ng tuwid sa akin.
Kapansin-pansin namang namumula ang mga mata niya. Napakunot ang noo ko at lumapit sa kaniya.
"Bakit namumula 'yang mga mata—" akmang hahawakan ko ang pisngi niya pero umatras ito.
"Nausukan ng sa kalan kanina habang nagluluto ako, masakit sa mata kaya ayon..." Napayuko siya.
Tumango ako at dahan-dahang binuhat si Wayne. Hindi ito nagising sa pagkarga ko sa kaniya. Isinandal niya lamang ang kaniyang ulo sa balikat ko at nagpatuloy sa pagtulog.
"Sayang, may ice cream pa naman. Bukas na lang siya mag-ice cream," ani Seira.
Napatingin ako kay Seira na inaayos ang damit ni Wayne na umangat sa pagkarga ko. Bigla akong napahinto nang maisip na sana ganito kami kung hindi lang ako naging duwag, baka sana may pamilya na rin kami ngayon. Hindi ko naman na mababago ang panahon pero sana hindi pa huli ang lahat para maiba ko pa ang future... naming dalawa.
***********
2 weeks later
Kasalukuyan akong nagda-drive patungo sa company namin. Kakatapos ko lang ihatid si Seira sa trabaho niya at si Wayne sa school nito. Malayo pa lang ako ay agad na sumenyas ang guard ng parking lot. Lahat ng mga guards ay umayos ng posisyon sa harapan ng building.
"Good morning, Sir Jairus!"
Muli ay narinig ko na naman ang nakakairita nilang pagbati, pagbaba ko pa lang ng sasakyan.
"Boss!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang malakas na sigaw ni Philip na aking Secretary noon.
"What's up!" Masaya akong lumakad patungo sa trunk ng sasakyan.
"Babalik na ba kayo, Boss?" tanong ni Philip habang tumatakbo papalapit sa akin.
"Hindi ko alam, wala akong gana magtrabaho. Ibabalik ko lang 'to sa office ni Mommy." Tuluyan kong binuksan ang trunk.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...