Jairus Gael's P. O. V.
Malungkot akong pumunta sa bahay namin na katabi lamang ng bahay nina Seira. Bitbit ko ang kahon ng pizza na kakaunti lamang ang nabawas, samantalang ang dala ni Iverson kanina na donuts ay halos hindi ipatikim sa iba ni Wayne.
"Sir! Magandang gabi po!" bati sa akin ng kasambahay saka ako pinagbuksan ng pinto.
"Walang maganda sa gabi..." bulong ko at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay.
Nagtungo ako sa kusina at nilapag sa lamesa ang kahon ng pizza. Napatitig ako sa lamesa kung saan naalala ko ang nangyare sa amin ni Seira, humigit anim na taon nang nakakalipas.
Napasapo ako sa noo ko, bakit ko pa ba naalala ang mga malalaswang pangyayare na 'yon? Hindi pa ba sapat ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon?
"Masakit po ba ang ulo niyo, sir? May gamot po akong nakatabi para sa sakit ng ulo---"
"Sakit ng puso, meron?"
Napatigil siya at napakamot na lamang sa kaniyang batok. Mahina akong tumawa at walang ganang umakyat ng hagdan patungo sa aking kwarto.
Pagpasok ko ay hinubad ko ang aking damit saka humiga sa kama. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to, puno ng gawain sa trabaho, sermon ng magulang ko at ang sakit dahil hanggang ngayon ay tinatago ko pa rin ang lahat kay Seira.
"Akala ko right time na kanina, hindi pala. Muntik ko nang masabi, na mahal ko siya." Hinila ko ang kumot at tinakpan ang katawan ko.
Inabot ko ang remote ng aircon saka ito binuksan. Napatitig ako sa kisame habang nabibingi ako sa katahimikan ng gabing ito.
"F*ck, anong meron sa Iverson na 'yon? Bakit ang lapit ng loob ni Wayne at Seira sa kaniya? Anong klase ba siyang tao? Putangina... Paano naman akong sampung taong nakasama ni Seira?" bulong ko.
Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang palad ko. Pakiramdam ko hindi ako makakatulog. Tumayo ako at lumakad, pabalik-balik, paikot sa silid ko.
"Ano bang dapat kong gawin?" bulong ko sa sarili ko.
Mahina kong tinuktukan ang ulo ko, hindi na ako makapag-isip ng tuwid.
"Sasabihin ko na ba? Dapat ko na bang sabihin? Baka maunahan pa ako---" napatigil ako sa pagsasalita nang mahigip ng aking mata ang bintana kung saan hindi nakaladlad ang kurtina.
Tila ba tumigil ang mundo ko nang makita si Iverson at Seira sa harapan ng bahay nila na nakatayo. Pinanood ko kung paano bumuka ang bibig ni Seira, gusto kong malaman kung ano ang mga sinasabi niya kay Iverson.
Hinawakan ko ang glass window at handa na sana itong buksan ngunit bigla na lamang hinila ni Iverson ang braso ni Seira. Nanlaki ang mga mata ko nang yakapin nito si Seira, laking gulat ko rin nang hindi man lang tumanggi o nagpumiglas si Seira sa yakap ni Iverson.
Tumagal ng ilang segundo ang yakapan ng dalawa habang hindi ko namamalayan ang pagtulo ng luha ko. Tila ba pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit, sa pag-aakalang may pag-asa pa. Sa nakikita ko ngayon pa lang, mukhang wala na nga talaga.
"Kahit siguro umamin ako sa 'yo, Seira. You'll reject me, obviously because of Iverson. He may fulfill the emptiness I can't fill. Ang tagal kitang hinintay, para lang pala makitang makuha ka ng iba..."
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...