Chapter 60

2.7K 95 27
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

Kumakaripas ako ng takbo patungo sa silid ni Jairus, nag-aalala ako na baka kung ano nang nangyayare sa kaniya sa loob. Nakasarado ang pinto pero nang pihitin ko ang doorknob ay bumukas ito. Unang bumungad sa akin ang ilang basag na bagay sa sahig. Nakita ko si Jairus na nakatayo sa tapat ng kaniyang bintana. Nakatalikod ito sa akin.

"Jairus..." mahina kong bigkas habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa kaniya.

"Seira, huwag ngayon. Please lang."

Napatigil ako sa paglakad nang marinig ko ang boses niya. Dama ko ang sakit na nararamdaman niya mula sa kaniyang pananalita. Napabuntong hininga ako at tumingin sa paligid.

"Kausapin natin ang Papa mo—"

"W-What? N-Narinig mo ba lahat?" gulat niyang tanong at nilingon ako.

Kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata niya, ilong at pisngi. Basang-basa ang pisngi niya sa kakaiyak. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, dahil sa tagal naming magkaibigan ay kahit kailan hindi ko pa siya nakitang humagulgol.

"S-Sorry, Jairus. Hindi ko intensyon marinig lahat, sadyang—"

"Please leave. Ayokong makita mo 'kong ganito," aniya at yumuko.

Muli akong lumakad papalapit sa kaniya pero umatras naman ito.

"Jairus hindi kita kaya iwanan sa ganito, naaawa ako sa 'yo." Akmang hahawakan ko na siya pero umiwas pa rin ito.

"'Yan nga, Seira. Kaya ayoko magpakita sa 'yo na nasasaktan ako, na nahihirapan ako. Ayokong kaawaan mo 'ko. Tutal kasalanan ko naman lahat ng 'to. Wala akong kwenta, palpak ako sa lahat ng bagay, sa kung ano mang aspeto kaya—Tama na, alam kong mas mahirap dito yung pinagdaanan mo kaya... Iwan mo na muna ako." Tinalikuran niya ako.

Kung alam mo lang, Jairus. Sa aspeto ng pagiging ama mo kay Wayne, walang mali. Tamang-tama lahat.

"Nandito lang ako, bilang kaibigan mo, Jairus." Tuluyan akong tumalikod. Napabuntong hininga ako habang naglalakad palabas ng kaniyang silid.

Hindi ko akalain na ganoon kabigat na ang nararamdaman niya. Mas lalo akong kinakain ng konsensya ko, na hindi pa man niya alam na siya ang ama ni Wayne pero nagagawa niya nang piliin ang bata sa kahit ano pang bagay.

"Seira, ano nangyare kay Sir Jairus?" tanong sa akin ng kanilang kasambahay nang magkasalubong kami sa hagdanan.

"Kailangan niya mapag-isa, huwag mo siguro munang puntahan. Pero napakadumi sa kwarto niya ngayon," sabi ko.

"Ganyan talaga si Sir. Sa isang taon ko nang nagtatrabaho dito sa bahay niya. Tuwing uuwi siya dito, mga once a month ganoon. Bigla na lang siya magwawala sa kwarto niya, binasag na naman siguro yung vase. Nakakailang palit na ako doon," sabi nito at tumalikod.

Napakunot ang noo ko, ano naman kayang dahilan ng pagwawala niya noon?

"T-Teka!" Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa living room.

"Bakit?"

"May itatanong sana ako."

Tumango ito sabay kuha ng tray at niligpit ang baso at pistel sa center table. Pinunasan niya ang lamesa.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon