Seira Anthonette's P. O. V.
Nagising ako nang maamoy ang kakaibang amoy. Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakita ko si Jairus at Wayne na nakatayo sa harapan ko, suot ang pajamas nila na terno pa. Ang alam ko ay nakatulog akong naka-lock ang pinto, ngayon ay narito na sila?
"Good morning, mahal ko. Sorry na sa nangyare kagabi." Inilagay ni Jairus ang table in bed.
"We prepared a breakfast for you. Papa cooked a fried rice and it's so delicious!" masayang-masaya ang mukha ni Wayne, halatang gusto akong suyuin.
Napabuntong hininga ako hanggang sa ipinatong na ni Jairus ang pagkain sa harapan ko. Nang maamoy at makita ko iyon ay tila ba bumaliktad ang sikmura ko.
"W-Why, Seira?" nag-aalalang tanong ni Jairus.
Mabilis akong tumayo para pumunta sa banyo. Yumuko ako sa lababo at halos maduwal-duwal doon. Wala akong naisuka, napadura lang ako sa laway ko.
"What happened, Mama? Are you sick?" nag-aalalang tanong ni Wayne habang nakatingin sa akin mula sa pinto ng banyo.
Nakatayo naman sa likod ko si Jairus at inaalalayan ako. Hinihimas niya ang likod ko. Ilang segundo akong napatulala nang sumagi sa isip kong baka nagdadalang-tao na naman ako. Ilang beses nang may nangyari sa amin ni Jairus, walang kahit anong proteksyon. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ako ng malagkit.
"Seira!? Namumutla ka! I will call a Doctor—"
"No! Ayos lang ako, pagod lang at kailangan ng pahinga," sabi ko at hinila ang braso niya.
"Bakit ka nagkakaganyan? Baka mamaya may sakit ka na pala pero hindi natin alam. Gusto mo magpadala ako ng private doctor?" tanong niya.
Umiling ako at lumabas ng banyo. Humawak naman si Wayne sa kamay ko at tila ba inaalalayan ako kahit ba maliit na bata lang siya. Akmang uupo ako sa kama pero nakita ko na naman ang fried rice.
"Pwede ba, alisin na muna 'yan? Hindi ko gusto yung amoy."
Nawala ang saya sa mukha ni Wayne at Jairus. Nakaramdam ako ng guilty dahil mukhang pinaghandaan talaga nila ito. Pinanood ko si Jairus na tanggalin ang table at pagkain sa harapan ko.
"Sorry, Wayne... Jairus... Sadyang hindi 'yan ang gusto ng kalamnan ko." Mahinahon ang pananalita ko at naupo sa kama.
"Ayos lang, ano ka ba?" natatawang sabi ni Jairus. Halata pa rin na nalungkot ito.
"Mama, what do you want to eat. We can prepare it," nakangiting sabi ni Wayne.
Hinaplos ko ang buhok nito. Mahaba ang pasensya, mana siguro sa akin ang anak namin.
"Parang gusto ni Mama ng sweet longganisa," sambit ko.
Nang banggitin ko ang pagkain ay bigla akong nakaramdam ng gutom na para bang takam na takam akong matikman ang sweet longganisa na iyon.
"Sure, let's go, Wayne. Hahanap tayo ng gusto ni Mama mo," ani Jairus at binuksan ang pinto.
"I told you, Papa. We must ask Mama first. We don't know what she wants," sermon mi Wayne kay Jairus bago tuluyang lumabas ng silid.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...