Jairus Gael's P. O. V.
N
ang maihatid ko sina Wayne at Seira sa dati nitong bahay. Muli kong naalala ang mga masasaya naming nakaraan, mga alaala na binuo naming dalawa ni Seira sa bahay nila at sa dati naming bahay.
"Sir, Jairus. Napadalaw ho kayo?" bati sa akin ng maid na nagbabantay at nag-aalaga sa bahay namin dito.
"Dito ako matutulog, ate." Ngumiti ako sa kaniya at pinark na ang sasakyan ko.
Habang nagsasara siya ng gate ay pumasok na ako ng bahay. Napangiti na lamang ako dahil walang nabago, kahit ano, ganoon pa rin at napanatili niya ang kalinisan.
"Ate, bukas ng umaga gumawa ka ng almusal. American breakfast sana," ani ko at tinanggal ang aking coat.
"Anong klaseng american breakfast, sir?" tanong niya sabay kuha ng coat ko.
"Lahat, kung anong available diyan sa kusina. Damihan mo."
Tumango siya at pumanik na ako paakyat sa aking kwarto. Patalon akong nahiga doon, tila ba naramdaman ko lahat ng pagod ko sa katawan. Nagawa kong pumirma at magbasa ng sandamakmak na papeles kanina at nag-drive pa ako ng ilang beses para kay Seira.
Sana lang maabutan ko sila ng breakfast, hindi ko rin kasi alam kung anong gusto nilang kainin. Nakakapanlata lang nang malaman kong may iba siyang lalake na nakasama ng matagal habang wala ako.
Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang palad ko at napatihaya ng higa.
"Sh*t, I hope... Lord, nakikiusap ako. Sana hindi niya sagutin yung lalakeng kano na 'yon. Bigyan niyo po ako ng chance kay Seira. Nagbabago na po ako. I'll give her everything that she needs and wants. Cause she deserves the best."
*******************
Nagising ako nang marinig ang katok sa pinto ng kwarto ko.
"Sir, handa na po yung pinapaluto niyong almusal. Hindi pa po ba kayo kakain?" sigaw ni Ate.
Kinusot ko ang mga mata ko at napatingin sa alarm clock na katabi ko sa side table. Nagising ang diwa ko nang makitang alas-otso na pala.
Mabilis akong bumangon para gumayak.
"Lalabas na!" sigaw ko.
Nagmamadali akong maligo sa banyo. Pakiramdam ko hindi na ako nakapagbanlaw ng maayos sa pagmamadali. Natatakot akong hindi ko sila maabutan sa bahay nila Tita Sonya. Kumuha ako ng polo at pants sa aking closet saka sinuot ang mga ito.
Hindi na ako nag-abalang mag-blower pa ng buhok. Naligo ako sa pabango, ang aking body spray na halos sampung taon ko na ring ginagamit. Sinuot ko ang mamahaling relo na binili ko saka ibinulsa ang susi ng kotse ko at wallet.
Paglabas ko ng kwarto ay naamoy ko na ang iba't ibang putahe ng pagkain. Nakahain ang lahat ng iyon sa lamesa.
"Sir, handa na po ang almusal niyo. Lahat po ba ito kakainin niyo---"
"Sandali lang," ani ko at lumabas ng bahay.
Tumakbo ako patungo sa bahay nila Seira. Hindi na ako kumatok pa, binuksan ko ang gate at dumiretso sa loob ng bahay nila. Naririnig ko ang agos ng tubig mula sa banyo nila. Nang sumilip ako sa kwarto ni Seira ay naabutan ko roon si Wayne na nakaupo sa kama ni Seira habang may hawak na cellphone.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...