I appreciate all of your comments! Heto na ang P.O.V na hinihintay ng karamihan!
Jairus Gael's P. O. V.
Hawak ko ang isang magazine, puno ito ng litrato pangkasal. Gusto kong si Seira mismo ang pumili ng gusto niyang masuot sa araw ng kasal ko. Kailangan ko ito gawin, this is the only way I thought of... Para manatili kaming magkaibigan.
"Seira?" tawag ko at akmang bubuksan ang gate ng bahay nila.
Bigla kong nakita si Tita Sonya na may hawak na isang walis tambo. Lumakad ito papalapit sa akin.
"Tita, nasaan po si Seira?" tanong ko at tuluyan kong binuksan ang gate nila.
Lumapit ako at kinuha ang kamay ni Tita Sonya para magmano. Rinig ko naman malalim nitong paghinga.
"Umalis."
Tumango ako at ngumiti, itinago ko sa likuran ko ang magazine na hawak ko.
"Saan po pumunta?"
"Hindi ko alam," walang gana niyang sagot.
"Anong oras po kaya siya babalik?"
Hindi niya ako sinagot, nawala ang ngiti sa aking labi nang talikuran niya ako. Akmang hahabulin ko si Tita Sonya pero mukhang galit siya. Napabuntong hininga lamang ako at kinuha ang cellphone ko na nasa aking bulsa.
"Nag-away na naman ba silang mag-ina?" bulong ko at lumabas ng bahay nila.
Nakatayo ako sa gilid ng kalsada at tinawagan si Seira. Napakunot naman ang noo ko nang marinig na out of reach ang kaniyang cellphone. Muli ko siyang tinawagan, paulit-ulit na out of reach siya.
"Nasaan na ba 'yon?" bulong ko at pumasok ng bahay namin.
Nakakalungkot na hindi na rin siya nagsasabi sa akin kung ano nang nangyayare sa kaniya, noon ay ako ang nilalapitan niya tuwing umiiyak siya dahil pinagalitan siya ni Tita Sonya. Ngayon wala man lang siyang sinabi kung nag-away na naman ba sila.
Nag-vibrate bigla ang cellphone ko. May tumatawag, lumakas ang tibok ng puso ko sa pag-aakalang si Seira na ang tumatawag. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ang pangalan ni Vinalyn dito. Sinagot ko ang tawag.
"Babe!" pinilit kong siglahan ang boses ko.
"Hindi ka ba uuwi rito, Babe? Balak ko mag-bake ng brownies for you," sabi niya mula sa kabilang linya.
Ngumiti ako, ramdam ko talaga na mahal niya ako. Kahit noong una akala ko hindi niya ako sasagutin, malay ko bang magiging seryoso pala ang sa una'y binibiro ko lang.
"Pwede bang afternoon na ako pumunta, Babe? Kakausapin ko sana si Raiko para maging best man," ani ko.
"Akala ko nakausap mo na siya..."
"Hindi pa, hinahanap ko si Seira kanina---"
"Si Seira na naman?" bakas ang inis sa boses niya.
Napalunok ako ng sarili kong laway, ilang beses na naming pinag-aawayan si Seira. Hindi ko na lang sinasabi kay Seira na nagseselos sa kaniya si Vinalyn, ayokong lumayo siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...