Seira Anthonette's P. O. V.
Itinago ko ang pregnancy test at ultrasound sa isang kahon ng luma kong sapatos. Inilagay ko ito sa ilalim ng vanity mirror ko, nagdarasal na huwag iyon galawin ni Mama. Hindi ko pa alam paano ko sasabihin sa kaniya, hindi niya pwedeng malaman 'to lalo na't hindi pa ako guma-graduate ng kolehiyo.
Ano na lang ang iisipin niya? Na kagaya lang ako ni Kuya Benjie, nagpabaya sa pag-aaral at nabuntis. Saka ko na sasabihin kay Mama ito. Kailangan ko lang maging settled financially. Kailangan ko ng pera para sa ultrasound at vitamins na kailangan ko i-take ngayong buntis ako. Ayoko ito ipalaglag, hindi ko papatayin ang sarili kong anak.
Kinuha ko ang cellphone ko at napahiga sa kama ko. Tinawagan ko si Dorothy, nakakadalawang missed ko na ako, ayaw niya sumagot. Kailangan ko ng pera...
"Dorothy!" hiyaw ko nang sagutin niya ang tawag.
"Ano na? Kamusta pagpapakatanga mo. Ang dami mo pa lang missed call, naliligo ako, beh!" aniya.
Napangiti ako, siya lang ang malalapitan ko sa ganitong problema. Malaki ang tiwala ko sa kaniya, hindi lang dahil pinsan ko siya kundi dahil matagal na kaming magkaibigan.
"Dorothy, baka naman pwedeng ilakad mo 'ko sa sinasabi mong trabaho pagkatapos gumraduate."
"Huh? May sakit ka ba?" aniya.
Napakunot ang noo ko.
"B-Bakit?"
"Nakakapanibago lang. You used to refuse but now you are asking me to help you? What changed your mind?"
Buntis ako...
"Wala, kailangan ko lang ng pera. Baka kasi hindi na ako mag-board exam. Didiretso na ako diyan sa inyo pagkatapos kong gumraduate." Napakagat ako sa dulo ng aking kuko sa kaba.
"Seryoso ka talaga? I wonder what did you eat, it feels like desidido ka na talaga. Did your mother forced you? Ano bang nalaman ni Tita Sonya? Kinausap na naman ba siya ni Mom?" sunod-sunod na tanong nito.
Napabuntong hininga naman ako. Ito lang ang paraan para ma-survive ko ang batang 'to nang hindi nalalaman ni Jairus na buntis ako. Kailangan ko siya ilayo sa ama niyang may minamahal na iba. Naisip kong kakayanin ko namang palakihin ang batang 'to mag-isa.
"Wala, hindi ako pinilit ni Mama," sagot ko.
"Oh, bakit aalis ka ng Pilipinas? Hindi mo na ba gusto makasama si Jairus?" tanong niya.
Tila ba may kirot sa aking puso nang banggitin niya ang pangalan ni Jairus. Hindi ko pa rin matanggap na nabuntis niya ako pero heto na ito, kailangan ko kumilos, hindi ako pwedeng tumanga at pabayaan ang dinadala ko.
"A-Ano... Si Jairus kasi, magpo-propose na siya kay Vinalyn."
Napakagat ako sa ibabang labi ko, pinipigilan ko ang luha ko. Hangga't kaya ko, ayoko umiyak. Sinabi ng Doktor na masama ang stress sa pagbubuntis ko. Mabuti na lang at healthy ang baby ko.
"The f*ck, are you serious? How did you know that he's going to propose?" gulat niyang tanong mula sa kabilang linya.
"S-Sinabi niya sa akin. Pinapili niya ako ng sing-sing, tapos para kay Vinalyn pala---"
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...