Chapter 75

2.5K 91 17
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

Pag-uwi, hindi na kami makatingin sa isa't isa. Naiilang akong bumaba ng sasakyan dala ang handbag na siya pa ang nagbigay, malamang basa na ang loob niyo.

"S-Salamat sa paghatid." Hindi ko siya tinignan at agad na sinarado ang pinto.

Umaambon pa rin, agad akong tumakbo papasok ng bahay. Pagbukas ko ng pinto ay gulat na gulat sa akin si Dorothy at Wayne na nakaupo sa lapag habang naglalaro ng train toy ni Wayne.

"Oh, mukha kang basang sisiw. Where have you been?" bungad sa akin ni Dorothy.

"W-Wala kaming payong ni Jairus, basang-basa kami," sabi ko at lumakad na patungo sa kwarto upang kumuha ng twalya.

Kailangan ko maligo, hindi pwede matuyo sa akin ang tubig ulan at baka magkasakit pa ako.

"May kotse naman kayo, still the both of you got wet? How?" tanong ni Dorothy.

"Basta!" sagot ko.

"Mama, you might get sick because you're wet because of rain!" nag-aalalang sabi ni Wayne.

"Y-Yes, anak. Maliligo na si Mama para maging okay ako," sabi ko at pumunta na sa banyo.

Akmang bubuksan ko ang pinto nang banyo ngunit kusa itong bumukas. Nagkagulatan kami ni Mama, tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa.

"Aba, hindi ka na bata para maligo sa ulan," aniya.

"Ma, hindi ako naligo, nabasa lang ako kasi wala kaming payong ni Jairus," sabi ko.

Lumabas si Mama ng banyo kaya pumasok naman ako roon. Tumayo si Mama sa harapan ko.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, magdala ka ng payong at tag-ulan na."

"Hindi ko naman alam na mababasa ako ng ulan," sabi ko pa bago isarado ang pinto.

Binuksan ko ang gripo at hinayaang mapuno ang timba ng tubig. Napabuntong hininga ako at tumingin sa salamin. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi ko, na mukhang hindi dahil sa ulan, kundi dahil nalaman kong mahal din ako ni Jairus.

Napailing ako ng ilang beses. Parang nawawala ako sa sarili ko, pakiramdam ko hihimatayin ako. Ngayon ay mas lalong lumalim ang iniisip ko. Hindi ko alam kung hahayaan ko ba ang damdamin kong mahalin si Jairus at pakinggan ito? Aaminin ko na bang anak niya si Wayne? Sasabihin ko na ba ang totoo? Pero paano kung magalit siya dahil hindi ko kaagad sinabi? Paano kung masaya na sana kami pero bigla siyang nagalit?

"Sh*t, parang mas lalong gumulo," bulong ko.

************

Natapos kaming kumain ng dinner. Tinabihan ni Mama si Wayne sa aking kwarto. Habang ako naman ay naghuhugas ng plato, si Dorothy naman ay panay ang dikit sa akin.

"Kailan tayo mamamasyal?" tanong niya.

"Sa weekend, pwede ba? Kasi may pasok ako," sabi ko.

"Of course, it's fine. I also want to join you guys na ihatid si Wayne sa school niya tomorrow," aniya.

"Oo naman, para makalibot ka rin dito," sabi ko at ngumiti.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon