Chapter 51

3.6K 132 17
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

Para akong mahihimatay, ngayong nakita ko si Iverson. Nakangiti ito habang binubuksan ni Wayne ang lock ng aming gate. Nanghihina akong lumakad papalapit sa kaniya.

"I-Iver..."

"Seira, are you okay?" tanong niya.

"O-Oo, y-yeah... Why didn't you tell me that you're coming?" tanong ko at pinapasok.

"I'm here to surprise you, both of you." Tumingin siya kay Wayne.

"Yehey! Dada is here!"

Napaawang ang labi ko nang yumakap si Wayne sa beywang ni Iver. Naramdaman ko naman ang presensya ni Jairus sa likod ko.

"Wayne, I bought you your favorite donuts. Bavarian and chocolate flavors!" masayang sabi ni Iver.

"Yes! I want it, Dada!"

Hinila ni Wayne si Iver papunta sa bench. Agad na binuksan ni Wayne ang kahon ng donuts. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Jairus sa braso ko. Nilingon ko siya at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Kahit ako rin naman ay nagulat sa pagdating ni Iver.

"Si Iverson 'yan? Yung lalakeng tumulong sa 'yo sa Amerika?" tanong ni Jairus.

"O-Oo... H-Hindi ko naman alam na darating siya ngayon..." kinakabahan kong sambit.

Magkasalubong ang kilay ni Jairus na tumingin kay Iver na kasama si Wayne ngayon at kumakain ng donut.

"Ano namang gagawin niyan dito?"

"Dalaw kay Wayne?"

"Wow, ah? Siya ba yung ama? Effort naman, pumunta pa ng Pinas. Parang hindi sila nagko-call." Bakas ang pagka-irita sa boses ni Jairus.

"Matagal din kasing nakasama ni Wayne si Iver kaya---"

"Wala akong pake, napakapabida niya."

Tinalikuran ako ni Jairus at naglakad papalapit sa dalawa. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Parang galit si Jairus, heto na ang kinakatakutan ko. Baka magkaroon ng init sa pagitan nila dahil kay Wayne. Pareho nilang mahal si Wayne at pareho silang gusto ni Wayne, hindi naman uubra na angkinin nila ang anak ko.

"Iver, pwede ba tayo mag-usap?" Lumakad ako papalapit sa kanila.

"Talk? Sure." Tumayo ito. Hinawakan muna niya ang balikat ni Wayne bago tuluyang lumapit sa akin.

"Iverson," sambit ko at hinawakan ang kaniyang braso para hilahin papalayo kay Jairus.

"What's the matter?" tanong niya.

"Well, I just want to ask. How long will you stay here?" tanong ko.

Napataas ang kilay niya.

"I thought you're coming home with me."

Napaawang ang labi ko.

"H-Home?"

"In U.S.A."

"But---"

"Dorothy asked me to fetch the both of you, since she can't come and your mother is fine now."

Napayuko ako, tila ba nag-aalangan na akong bumalik sa Amerika kahit ba naroon ang trabaho ko. Parang ayoko nang malayo din sa pamilya ko, lalo na ngayon na nagkaayos na kami ni Mama, maayos din ang bonding namin nila Kuya.

"R-Right..."

"Why, don't you want to go back in U.S? Why does it feels like you're in shock. What happened?" Hinawakan niya ang kamay ko.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon