Seira Anthonette's P. O. V.
Ngayong araw ay si Iverson ang nagpasyang magpaligo kay Wayne, dahil mamayang gabi ay pupunta na siya sa airport. Uuwi na siya ng Amerika. Habang ako ngayon ay nag-aayos ng mga dokumento ko para ibigay kay Iver, siya na ang nag-insist na tumulong sa akin para ayusin ang naiwan kong trabaho sa company na pinagtatrabahuhan namin.
"Mama, I'm done taking a bath. Dada put too much shampoo in my hair, it took too long for it to remove the bubbles," reklamo ni Wayne pagpasok nila ng kwarto, kasama si Iverson.
Napabuntong hininga ako at tumingin kay Iver na napakamot sa kaniyang batok.
"Well, I already apologize."
Napailing ako, tumayo ako para kuhanin ang damit ng anak ko. Ako na sana ang magbibihis sa kaniya pero kinuha ni Iver ang damit sa akin.
"I'll do it, just finish what you're doing. Did you already print the resignation letter?" tanong ni Iver.
Umiling ako, dadaan na lang ako sa computer shop mamaya kung saan may printing service. Madali na 'yon kapag hinatid si Wayne sa school alam kong madaming shop sa tabi-tabi.
"I'll put everything in one folder. Thank you for helping me," sabi ko kay Iver.
"Mama will be jobless?" tanong ni Wayne.
"Yes, for a while only. I'll apply new job here," sabi ko kay Wayne.
"Your Mama will definitely be accepted when she applied for job here, she's a great worker," ani Iver.
Ngumiti siya habang pinupunasan ang basang buhok ni Wayne gamit ang twalya. Pinagsasama-sama ko na ang mga dokumento sa portfolio nang biglang narinig namin ang malakas na sigaw ni Jairus.
"What's up, everyone! Hello, Tita Sonya, bless nga po."
Napalunok ako ng ilang beses, nakakapagtaka na sumigaw siya na parang ang saya-saya niya. Siguro ay hindi naman tinuloy ng Daddy niya ang pagtanggal sa kaniya sa trabaho. Mukhang good mood, siguro nagka-ayos na sila.
"Ninong is here!" sigaw ni Wayne.
Pareho sila ng ama niyang malakas ang boses. Napapapikit na lang ako sa ingay, parang masisira ang eardrums ko.
"Wayne, gwapo mo naman. Manang-mana ka talaga sa akin!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jairus nang pumasok ito sa kwarto at nakitang nagbibihis si Wayne.
"Of course, Ninong."
"Lodi mo ba ako, ha?" tanong ni Jairus.
Napairap ako. Mukhang okay na nga siya, nagagawa nang magbiro.
"What is lodi, Mama?" tanong ni Wayne sa akin.
Napatigil ako sa aking ginagawa. Paano ko nga ba ipapaliwanag na binaliktad na idol iyon?
"It's a slang term in Filipino, the original term is idol but when you read it opposite—it become lodi."
Tinignan ko ng masama si Jairus, ako pa tuloy ang nahihirapan sa mga tinuturo niyang kalokohan.
"Yeah, your Mama is right. Hindi ba sabi mo you want to be like me?" tanong ni Jairus.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...