Chapter 34

4.7K 153 25
                                    


Seira Anthonette's P. O. V.

4 years later

Hawak ko ang isang basket na laruan ni Wayne. Kakauwi ko lang galing sa trabaho at hindi pa rin natatapos ang trabaho ko pagdating sa bahay dahil gagapanan ko naman ang pagiging Ina ko. Sobrang likot na ni Wayne, hindi ko na siya masaway tuwing nagkakalat siya. Palibhasa ay bata pa, tapos hindi ako kasama buong araw, dahil sa trabaho ko. Naiiwan siya kala Tita at Tito.

"Seira, do you want some cotton candy?"

Napalingon ako sa pinto. Nakatayo doon si Iverson habang may hawak na cotton candy sa isang stick. Napangiti ako, matanda na ako pero pakiramdam ko nagiging bata ako kapag nakakakita ako ng cotton candy.

"Of course, that's my favorite," ani ko at lumapit sa kaniya.

"I know, it's also Wayne's favorite. Maybe he inherited it from you," biro niya.

"It runs in the blood," natatawa kong sabi at kinain ang cotton candy.

"Dada, make one again. Come, Dada!" Napatigil ako sa pagkain nang sumigaw si Wayne.

Napasapo ako sa noo ko. Ilang beses ko na tinuturuan si Wayne, hindi pa rin siya makatanda.

"Wayne, where's your please?" Lumakad ako papalapit kay Wayne na nakaupo sa hapagkainan kung saan nakalagay ang mini-cotton candy machine.

Regalo ni Iver ito kay Wayne noong nag-birthday siya. Mismong si Iver pa ang gumagawa ng cotton candy para sa kaniya.

"I told you, that if you want something. Always say it with please," pangaral ko kay Wayne.

"S-Sorry, Mama..." bulong niya at yumuko.

"Don't nag at him, it's just me. But if he shouted other people like that, you can confront him." Hinawakan ni Iverson ang balikat ko.

"Tsk, kunsintidor." Napairap ako.

"W-What? Hindi ko alam yung kunsintidor. What is that tagalog word?" tanong ni Iver.

"Wala."

"Dada, make it color blue," tinuro ni Wayne ang kulay blue na powder.

"Let's mix blue and red. Our favorite colors, do you like that?" tanong ni Iver.

Bakas naman ang excitement sa mukha ni Wayne.

"Yes, Dada!"

Pinanood ko silang dalawa na gumawa ng cotton candy. Minsan ko nang naisip na, sana si Iverson na lang ang naging ama ni Wayne. Sobrang swerte ko na tinanggap niya si Wayne ng buong-buo, parang kaniya talaga ang anak ko. Hindi rin siya umalis sa tabi ko matapos akong manganak kay Wayne. Ginawa kong Ninong si Iverson pero dahil sa kakulitan ni Iverson, ginusto niyang tawagin siya ni Wayne na Daddy. Pilit ko namang pinapaintindi sa kaniya na hindi niya ama si Iver.

Pakiramdam ko, mas maguguluhan si Wayne sa nangyayare pero mas okay na rin ito. Kahit wala ang tunay niyang ama, nariyan naman si Iver na handang tumayo bilang isang ama sa kaniya. Sobrang swerte rin ng babaeng makakatuluyan niya, hindi lang husband material si Iver kundi father material pa.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon