Jairus Gael's P. O. V.
Hindi ko akalain na pupuntahan ako ni Papa ngayon dito sa dati naming bahay para lang pagalitan ako. Umagang-umaga, si Papa ang gumising sa akin at hindi man lang nakapagpaliwanag ang katulong dito sa bahay. Wala rin naman siyang magagawa, since si Papa ang nagpapasahod sa kaniya.
"Inuna mo pang mag-gala kaysa asikasuhin ang mga forms na hinahanap ko!" sigaw ni Dad.
Napatingin ako sa bintana kung saan kita ko ang bahay nina Seira, nagdarasal akong hindi niya sana marinig ang mga sermon sa akin ni Papa.
"Akala ko ba magtitino ka na? You told me that I should trust you pero hindi ka gumagawa ng paraan para pagkatiwalaan kita!" Napalingon ako kay Papa sa kaniyang sinabi.
Tila ba may bumbilya na umilaw sa utak ko, tama ang sinabi ni Papa. Unti-unti kong na-realize na dapat nga ako gumawa ng paraan para pagkatiwalaan ako ni Seira ulit.
"Sa susunod na may kapalpakan ka pang ginawa, kahit anak pa kita. Tatanggalin kita sa pwesto mo--" tumayo ako dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.
"Pa, you're the best father. Ang galing mo," ani ko at ngumiti.
Tinapik ko ang magkabilang balikat niya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat, tila ba naguluhan siya sa inakto ko.
Naglakad ako pababa ng hagdanan, naririnig ko ang boses ni Papa na tumatawag sa akin. Sana lang ay pu-pwede ko mahiram sina Seira at Wayne. Gusto ko sila ipasyal, para mas makilala ko si Wayne. Kabisaduhin ko ang batang 'yon.
"Jairus!"
Paglabas ko ng bahay ay dumiretso ako sa gate nina Seira. Naabutan kong nagdidilig ng mga halaman si Seira. Biglang lumabas ng bahay si Wayne at agad niya akong nakita.
"Ninong!"
"Ano ka ba naman, Jairus---sino ang batang 'yan?" gulat na tanong ni Papa na nakasunod pala sa likod ko.
"Who is he, Ninong?" tanong naman ni Wayne sabay turo kay Papa.
"Tito Jeffrey, magandang araw po," bati ni Seira at binitawan ang hawak niya.
"Oh, Seira. Ang tagal kitang hindi nakita." Ngumiti si Papa.
Binuksan ni Seira ang gate, agad na humawak sa kamay ko si Wayne.
"Bless po, Tito." Kinuha ni Seira ang kamay ni Papa.
"Anak mo ba 'yan, Seira?" tanong ni Papa.
"Opo, Tito..." Bakas ang pagkahiya sa boses ni Seira.
Marahil ay nabuntis lang siya nang hindi sinasadya. Kaya siguro pati si Tita Sonya ay tinago si Seira sa lahat. Sa gwapo naman ng anak ni Seira, hindi dapat tinatago ang ganitong bata.
"Nakapag-asawa ka na pala, kailan lang boto kami ng asawa ko na kayo ni Jairus ang magkakatuluyan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa.
Akala mo hindi siya nagagalit sa akin kanina kung ngumiti ngayon sa harap nina Seira.
"Ay... Wayne, bless ka kay Tito. That's the father of your Ninong," ani Seira.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...