Jairus Gael's P. O. V.
Hindi dapat dito matapos ang pag-ikot ng mundo ko, kailangan ko tandaan na narito si Seira. Siya ang dahilan kung bakit dapat akong magpatuloy. Kahit sino pa ang makalaban ko, saktan ako, apihin ako. Basta't nandito si Seira, dapat ako maging malakas.
Lumabas ako ng kwarto, madilim na ang paligid. Buong araw akong nagkulong at nag-isip. Umiyak, nagwala at naglabas ng sama ng loob. Ngayon lang din ako kakain, hindi pa naman ako namatay sa hindi pagkain ng lunch at meryenda.
"Sir! Buti po bumaba na kayo, marami po akong hinanda na pagkain. Kanina pa ho kasi kayo hindi kumakain baka ho mapaano kayo niyan, malalagot ako sa Papa ninyo," sabi niya.
"Mas gusto nga ni Papa na mamatay ako," bulong ko habang naglalakad pababa ng hagdanan.
"P-Po, sir? Hindi ko ho narinig—"
"I said I want lemon juice."
"Sure, sir. Gagawa na ako ngayon din! Nakahain na po sa lamesa ang pagkain." Nakangiti siya sa akin.
Napabuntong hininga ako at nagtungo sa dining area. Maraming iba't ibang potahe, para akong nasa buffet section. May adobo, veggies, pakbet, beef steak, at bulalo. Naupo ako at kumuha ng kutsara, isa-isa ko itong tinikman para malaman ko kung anong uulamin ko. Ayoko ng pangit ang lasa.
"Hhhmmm..." himig ko nang matikman ko ang bulalo.
"This is delicious, ikaw ba lahat ang nagluto nito o nag-order ka sa labas?" tanong ko kay Yaya.
"Alin ho, sir? Yang bulalo? Bigay ho ni Ate Sonya, niluto raw ni Iverson kanina, yung foreigner."
Agad akong napabitaw sa kutsara kong hawak. Uminom ako ng tubig para mawala ang lasa sa aking dila. How can an American man cook a Filipino dish this way? Chef ba siya?
"Itapon mo 'yan, ayoko ng bulalo," sabi ko at inusog ang mangkok nito.
"Pero, sir. Sabi niyo kanina masarap?"
"Tsk, daming sinasabi. Basta ayoko!" inis kong sabi.
Dali-dali niya itong kinuha sa lamesa sabay punta sa kusina. Napabuntong hininga ako at sunod na tinikman ang beef steak. Masarap ito kaysa sa adobo, kaya iyon ang nilagay ko sa plato ko.
Naiinis pa rin ako, kung bakit si Iver ay marunong sa pagluluto samantalang ako ay hindi. Nagagawa niya pa lang ipagluto si Seira, dapat hindi ako magpatalo sa mokong na 'yon.
"Yaya, paano mo ginawa 'tong beef steak. Ituro mo sa akin ngayon. Magluluto ako," sabi ko at binilisan ang pagkain.
"Sir—sigurado ho ba kayo? Kahit kailan hindi niyo sinubukan magluto—"
"I said what I said."
*********************
Dala ko ang plato ng beef steak. 7 pm pa lang naman kaya baka hindi pa sila nagla-lunch. Masaya akong lumabas ng bahay para dalhin ang niluto ko sa bahay nila Seira. Patungo pa lang ako sa gate ay narinig ko ang paghinto ng trycicle sa tapat ng gate nila.
Napakunot ang noo ko nang makitang lumabas si Seira, Wayne at Iver sa trycicle. Tumatawa si Seira habang si Wayne ay may kinukwento na hindi ko masyado marinig at maintindihan.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...