Jairus Gael's P. O. V.
Nakahanda na ang kotse ko na nakaparada sa labas ng gate nila Seira, susunduin ko na siya. Hindi na nga ako kumatok sa gate nila at dire-diretso akong pumasok kagaya ng dati.
"Seira?" tawag ko pagbukas ko ng pinto ng bahay nila.
Nagulat naman ako nang makita ko si Iverson na nagsusuot ng kaniyang rubber shoes. Nakabihis ito ng polo at pormahan pa lamang niya ay mukha na siyang mayaman. Nakakapagtaka lang at bakit nakabihis pati siya?
"Where's Seira?" tanong ko.
"In the room, making Wayne sleep." Tumayo siya ng tuwid pagkasuot ng kaniyang rubber shoes.
Pumamewang naman ako sa harapan niya dahil naaangasan ako sa kaniya, porket mas matangkad siya ng three inches sa akin.
"Finally, Wayne is asleep now and Iverson can you---" napatigil si Seira sa pagsasalita nang makita niya ako.
Sinarado niya ang pinto ng dahan-dahan at tumingin sa akin.
"Bakit nandito ka pa?" tanong niya sa akin.
"Sinusundo kita."
Napataas ang kilay nito at tumingin kay Iverson na para bang mayroon silang communication sa mga mata.
"No need, we will get a cab to go there. We know the location," ani Iverson.
"Oh, bakit sasama ka? Hindi ka naman kasama sa barkada, ah?" inis kong sabi.
"Jairus!" sita ni Seira sa akin.
"What did he said?" bulong ni Iverson kay Seira.
Tignan mo nga, hindi niya naintindihan. Kupal talaga 'to, palagi na lang epal. Bakit ba kasi pumunta pa siya ng Pinas, hindi naman siya welcome dito.
"Nevermind him, let's go." Biglang hinawakan ni Seira ang kamay ni Iverson.
Parang may tumusok sa puso ko, siya pa mismo ang humawak, siya ang nag-insist na sumama si Iverson? Paano naman ako? Okay lang na iwanan niya?
"Sumakay na kayo sa akin, para sabay-sabay na tayo," malungkot kong sabi.
"Hindi na---"
"Ayos lang, iisa lang naman pupuntahan." Wala akong ganang lumabas ng bahay nila.
Binuksan ko ang kotse. Inaakala kong si Seira ang uupo sa passenger seat pero sa likod naupo si Seira dahilan para si Iverson pa ang maupo sa tabi ko.
Napabuntong hininga na lamang ako sa mga nangyayare. Pinaandar ko na ang kotse, sobrang tahimik nila buong byahe. Nawalan din ako ng gana sa mga ipinapakita ni Seira, habang tumatagal mas lalo akong nasasaktan.
**************
Pagdating namin sa napag-usapan na mamahaling restaurant, sinalubong agad ni Sammy si Seira ng isang mahigpit na yakap. Ako naman ay nakipag-fist to fist kala Rhaiko.
"Sino yung kasama ni Seira, pre?" tanong ni Gil.
"Yung epal na kano," bulong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...