Chapter 67

2.3K 88 38
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

Ngayong araw, ang tinatawag na family day occasion sa school ni Wayne. Pumasok si Wayne kasama kami, napakadaming tao sa school, dahil kasama na rin ng mga estudyante ang kanilang mga magulang.

"Clare!" sigaw ni Wayne.

Lumingon ang isang batang babae na kasinlaki niya lang. Kumaway ito kay Wayne.

"Wow, may chixx na agad yung inaanak ko!" pilyong sabi ni Jairus.

Nagsalubong kaagad ang kilay ko. Huwag na huwag magmamana si Wayne sa kaniya.

"Huwag mo nga itulad ang anak ko sa 'yo," inis kong sabi.

"Joke lang naman."

Napahalukipkip ako. Nakaramdam ako ng init sa suot kong pantalon at puff blouse na hanggang siko ang manggas. Nakalugay din ang buhok ko kaya mas lalong mainit.

"Jairus, nandito na pala kayo, buti at nakarating kayo!"

Nag-init agad ang dugo ko nang marinig ang boses ng teacher ni Wayne. Ang babaeng 'yon, heto na naman at tumatabi kay Jairus na parang linta.

"Oo naman, hindi kami pwede maging absent!" masayang sabi ni Jairus.

"Magsisimula naman kaagad ang program, malapit na mag-start 'yan. May palaro din kami for parents," sabi ni teacher.

"Mukhang enjoy pati ang mga magulang niyan, teacher," ani Jairus.

Napairap ako, parang hindi nila ako katabi. Silang dalawa lang talaga ang nag-uusap.

"Ma'am Pearl! Tawag na tayo sa faculty!" sigaw ng isang teacher sa hindi kalayuan.

"Mauna na muna ako—"

"Teka, teacher. Pwede ba maheram 'yang hawak mong pamaypay?" tanong ni Jairus.

Napahawak ako sa ulo ko sabay talikod sa kanila. Sobrang close na nila ngayon, nagheheraman na rin ng gamit. Nakakairita, ayoko sila makita!

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng hangin sa gilid ko. Paglingon ko kay Jairus ay nakita kong sa akin niya ginagamit ang pamaypay ng teacher na 'yon.

"Magpusod ka kaya? Pinagpapawisan na rin yung batok mo," aniya at akmang hahawiin ang buhok ko pero umiwas ako.

"Hindi na."

Habang tumatagal ay nakaramdam ako ng ginhawa. Pansin ko ring parang pinipilit na lang ni Jairus ang pagpaypay sa akin kahit ba bakas ang ngalay sa mukha niya. Siya naman ang pinagpapawisan, hindi na ako.

Parang lumambot naman ang puso ko sa ginawa niya, nawala at nakalimutan ko ang pagka-bad trip ko kanina lang. Nang marinig naman namin ang tunog mula sa sound system ng stage ng school ay agad kaming nagtungo doon. Bumalik na rin sa amin si Wayne. Nagkaroon ng ceremony bago magsimula ang programa.

******************

Kasalukuyang naglalaro ang mga bata, sobrang daming prizes. Hindi namin alam saan nila nakukuha ang mga ito, mukhang malaki ang pondo ng school.

"Winner is team green!" sigaw ng teacher na host.

Nagpalakpakan kami. Sunod na tumayo ay ang kinder, sila ang pinakahuli dahil pinakabata sila. Naglilinis na ng ilang kalat ang mga nakakatandang elementary students. Habang pumupwesto na sa harapan ang mga bata.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon