Chapter 16

4.6K 135 60
                                    


Warning: This chapter contains matured and sensitive contents. Read at your own risk.

Seira Anthonette's P. O. V.

Kasalukuyan kong ipinapakita kay Dorothy ang bigay sa akin na bulaklak ni Jairus, unti-unti na itong nalalanta pero patuloy ko pa ring pinipisikan ng spray ni Mama sa halaman niya, baka sakali tumagal.

"Huwag mo na lagyan ng spray ni Tita Sonya, hindi magtatagal 'yan."

"Alam ko, pero kahit sandali lang yung kagandahan nito, na-appreciate ko pa rin," ani ko kay Dorothy na ngayon ay ka-video call ko.

"Malalanta rin 'yan, parang si Jairus. Sweet ngayon, bukas, pero sa susunod wala na," aniya at umirap pa.

"Huwag ka nga maging negative, tingin mo ba bibigyan niya ako nito kung hindi ako mahalaga sa kaniya?" Pagmamayabang ko.

Muli kong inamoy ang bulaklak, nauubos ko na ata ang amoy nito kakalanghap ko.

"You're so obsessed with Jairus, I wonder kung anong mayroon sa lalakeng 'yon na wala ang ibang guy," singhal ni Dorothy.

Bigla kong naalala ang mga sweet moments namin, lalo na ang sexy moments sa kama, tandang-tanda ko kung gaano kasarap sa tenga ang mga ungol niya.

"Aminado ka naman na baliw ka kay Jairus, 'di ba?" aniya.

"Oo, bakit?"

"I think magfe-fade din ang love mo. Kapag na-realize mong wala ka talagang pag-asa. Hindi mo kasi ma-gets na kaya niya lang ginagawa 'yan dahil kaibigan ka niya, not because he is seeing you more than friends..."

Hindi ko masabi sa kaniya, we are more than friends. Hindi lang kaibigan ang tingin ko kay Jairus at mukhang ganoon rin siya, dahil sa mga ginagawa namin na tanging magkarelasyon lang ang gumagawa. He is not seeing me as a friend lang. I can feel that.

"Hihintayin ko siya," ani ko.

"Gosh, sumasakit na naman ang ulo ko sa 'yo. I can't imagine, may pinsan akong tanga."

"Tanga nga ako, pero huwag mo naman ipaalala araw-araw, medyo nakaka-hurt na," ani ko at ngumiti ng pilit.

Bigla namang pinatay ni Dorothy ang call. Mukhang naiinis na nga siya sa akin. Napasimangot ako at tumayo, nilagay ko sa vase ang bulaklak na malapit nang maging brown lahat ng dahon ng sunflower.

Kinuha ko ang aking printed lectures at nilagay ko sa aking bag dahil may pasok na bukas. Malapit na rin ang Valentine's, iniisip ko kung anong pwede ko ibigay kay Jairus na wala pa siya.

"SEIRA!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iisang tao lang naman ang gumagawa nito, si Jairus.

"A-Ano?" tanong ko.

Bakas sa kaniyang mukha ang pagkapagod, mukhang tumakbo siya ng matagal.

"May cotton candy na ulit! G*go, natatakam ako kanina pa!" sigaw niya.

"T*ngina, hindi ka na lang bumili agad. Paglalakarin mo na naman ba ako sa kanto?" inis kong sabi.

"Oo, tara na kasi at--uy!" Napatigil siya nang makita ang vase na nasa vanity mirror ko. "Na-save mo pala talaga yung flower, nalalanta na oh! Ibibili na lang kita ng bago."

Napangiti ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya, inakbayan niya ako. Muli ay nakaramdam ako ng kilig, sabay kaming naglakad palabas ng bahay.

"Ililibre mo ba ulit ako?"

"Oo, hindi ba favorite mo yung cotton candy sa kanto? Akala ko nga hindi na sila magbubukas, tanong nga natin kung bakit nagsara sila ng ilang linggo."

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon