A/n: dear readers, binabasa ko lahat ng comments niyo and natutuwa ako sa mga reaction niyo na nadadala kayo ng story na ito. Nag-improve naman po ba ang writing skills ko kahit papaano? HAHAHA!
Sa mga excited nang magluksa si Jairus, medyo matagal pa po dahil papahabain ko ang story na ito. Goal ko po ay 100k words ang story na ito. Salamat!
Seira Anthonette's P. O. V.
Malapit ma mag-Alas-dose ng madaling araw, may pasok pa bukas pero hindi pa rin ako makatulog. Hinila ko ang kumot ko para matakpan ang katawan ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ng unan ko, napabuntong hininga pa ako at binuksan ang aking inbox.
Nakita kong may message si Dorothy, binasa ko iyon. As usual, nagbibigay siya ng advice na alam kong tama pero hindi ko kaya gawin.
Magta-type na sana ako ng reply pero bigla itong tumawag. Agad ko namang sinagot ang video call niya.
"Oh? Gabi na diyan, bakit gising ka pa?" salubong sa akin ni Dorothy.
"T*nga, tumawag ka--"
"Bugok ka ba? Na-seen mo message ko kaya ako tumawag. Baka kasi hindi mo pa ako reply-an. Feeling famous ka rin, 'no?" aniya at umirap.
Nakahiga siya sa kaniyang kama, nakasuot pa ito ng make up. Normal naman sa Amerika ang ganoon, kahit mag-ayos ka sa bahay o magpaganda.
"Alam mo namang hindi ako makikinig sa advice mo..." malungkot kong sambit.
"May sasabihin ako, baka nandyan si Tita Sonya."
"Wala, nasa call center. Ano ba sasabihin mo?" tanong ko.
"Tanungin mo nga si Vinalyn, may balak ba siyang iwanan pa si Jairus. Kung oo, umamin ka na--"
"Ano bang suggestion 'yan? Nakakaputang*na."
Napakamot ako sa ulo ko.
"Girl, ikaw na nagsabi, all of his attention is on Vinalyn na. Of course, logic, siya ang girlfriend at girl best friend ka lang," aniya.
"Pero, ako yung nakasama ni Jairus sa loob ng sampung taon."
"Sira talaga utak mo, Seira. Kahit makasama ka niya ng twenty years, kapag nag-asawa si Jairus, tingin mo isasama ka niya sa bahay nila? Minsan ikaw talaga cause ng stress ko," aniya.
Nanikip naman ang dibdib ko, naiisip kong baka gusto na pakasalan ni Jairus si Vinalyn.
"Umaasa pa rin ako, baka mabigyan ako ng chance ni Jairus..." bulong ko.
"Kailan pa, Seira? Kapag puti na ang uwak? O kapag kinasal na sila?"
"Hindi sila ikakasal---"
"'Di mo sure, beh. Natanong mo na ba si Jairus kung balak niya pakasalan si Vinalyn?"
"Iyan na nga iniisip ko, ang sabi niya noon, perfect na raw. Hindi ba parang ang lalim noon?" ani ko.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...