Chapter 1

8.2K 157 33
                                    

6 years ago

"Seira, ang bagal mo! Huwag ka na magpaganda, walang magkakagusto sa 'yo. Nangungulangot ka tapos pinapahid mo sa pader!" sigaw ni Jairus.

Niyukom ko ang kamao ko at nagpipigil ng inis. Umagang-umaga, mamumwisit siya. Palibhasa, nag-aayos ako para magmukhang presentable sa kaniya. Siya lang naman 'tong manhid, hindi makaramdam.

"Seira, kanina pa sa sala si Jairus. Napakatagal mo namang gumayak, school ang pupuntahan mo, ha? Hindi mo na kailangan mag-make up." Pumasok si Mama sa kwarto ko.

Binaba ko na ang hawak kong suklay. Kinuha ko ang pouch ko na may lamang pampaganda. Inilagay ko 'yon sa loob ng bag ko.

"Hindi pa naman kami late, maaga lang gumayak si Jairus," reklamo ko at sinakbit ang aking bag.

"Sige na, umalis na kayo at matutulog na ako. Buong gabi ako sa call center. Ngayon pa lang ako matutulog," ani Mama at tinulak ako palabas ng kwarto ko.

Nakita ko si Jairus sa sala. Wala kaming hagdanan dahil simple lang ang bahay namin, paglabas ko ng kwarto, sala agad ang makikita ko. Nakaupo si Jairus sa sofa namin habang nakataas pa ang paa sa lamesa. Napangiwi naman ako dahil mabaho ang paa niya.

"Tayo na, napakabwisit mo. Pati pangungulangot ko kabisado mo," irita kong sabi at inirapan siya.

Tumayo siya at inayos ang kaniyang bag. Medyo malayo ang school namin, isa itong university dahil fourth year college na kami, pero imbis na mag-jeep ay nagta-trycicle kami. Mula pagkabata, sabay kaming pumasok sa school dahil iisa lang ang school na pinapasukan namin.

"Sabi ni Papa, balak niya kumuha ng driver kasi bumili siya ng isa pang kotse para sa ating dalawa," aniya habang naglalakad kami.

Tumingin ako sa bahay nila na katabi ng bahay namin. Sa totoo lang, nakakahiyang tignan na magkatabi ang bahay namin nina Jairus. Sobrang simple at maliit ang bahay namin tapos ang bahay nila Jairus ay mayroon pang third floor. Modern at mamahaling tignan ang bahay. Nakita ko ang isang grey na kotse sa garahe nila, mukhang iyon ang tinutukoy ni Jairus.

"Iyon ba?" tanong ko.

"Oo, gusto mo ba sabihin ko kuha na siya ng driver? Sagot na ni Papa gas noon, tapos hindi ka na gagastos ng pamasahe natin sa trycicle," aniya.

"Psh, ayoko kalatan yung kotse niyo. Natatandaan mo ba yung huli kong sakay sa kotse ng Papa mo last year?" ani ko sa kaniya.

Tumawa ito bigla at hinampas pa ang likod ko.

"G*go! Oo nga pala, sumuka ka!"

Halos hindi na siya makahinga kakatawa. Inirapan ko siya at iniwan sa paglalakad.

"Kasalanan ko bang may travel sickness ako," bulong ko.

Tumakbo naman siya at hinabol ako, inakbayan niya pa ako habang naglalakad kami sa kalsada. Kaya palagi kaming pinagkakalamang mag-jowa. Dahil clingy kami sa isa't isa, hindi lang clingy. Sa totoo lang, may ginagawa kaming magkaibigan na dapat magkarelasyon lang ang gumagawa.

"Ginawa ko yung assignment mo sa business math. Baka naman gusto mong ilibre ako ng pamasahe ngayon," ani ko sa kaniya.

"No problem. All money is on me!" mayabang niyang sabi.

Napangiti ako, walang araw na malungkot kami dahil palagi kaming magkasama. Nauna akong sumakay sa trycicle at tinabihan niya ako.

"Napalago na ulit ni Papa yung company ni Lolo noon. Dati nababaon kami sa utang, pero ngayon ang laki na ng kinikita nila Mama," kwento ni Jairus.

"Sana all, siguro kung buhay si Papa, baka maganda rin bahay namin kagaya ng sa inyo," ani ko.

Namatay si Papa noong bata ako, matapos na bilhin ni Papa ang lupa na binebenta ng magulang ni Jairus, kung saan nakatayo ang bahay namin ngayon. Noong bata ako ay nagje-jeepney driver si Papa habang si Mama ay nasa bahay lang para alagaan kami ni Kuya. Ngunit umuwi ng lasing si Papa, isang gabi bumangga siya sa poste, nayupi ang unahan ng jeep at may bakal na tumusok sa kaniya na dahilan ng kaniyang pagkamatay. Matagal na 'yon pero nami-miss ko pa rin si Papa. Kaya ngayon, si Mama ang nagtatrabaho bilang Call Center Agent, para sa amin ni Kuya. Ang problema, si Kuya noong college na siya, nakabuntis siya at huminto ng pag-aaral para magtrabaho.

Nang makarating kami sa school ay sabay pa rin kaming maglakad ni Jairus sa loob ng campus.

"Ayos ba buhok ko?" tanong niya.

Tinignan ko siya habang hinahawi ang kaniyang buhok. Napalunok ako ng ilang beses. Sa totoo lang, sobrang gwapo niya talaga. Dagdag pa ang ngiti niya, yung mga mata niya ay ngumingiti rin.

"Ang pangit mo," ani ko at tinalikuran siya.

"Tarantado, baka magkasalubong kami ni Vinalyn, gusto ko maging pogi sa paningin niya," ani Jairus.

Napabuntong hininga naman ako. Kaya hindi ko magawang aminin ang nararamdaman ko sa kaniya, ay dahil may babae siyang napupusuan. Isang taon na niyang nililigawan si Vinalyn, hindi ko alam sa babaeng 'yon kung may balak pa siyang sagutin si Jairus, sana nga busted-in na niya para maka-amin na ako kay Jairus.

"Tignan mo 'to! Ang snob mo p*ta!" ani Jairus at inakbayan pa ako.

"Tanga, baka makita ka ni Vinalyn. Mag-iisip 'yon tungkol sa atin," ani ko at tinanggal ang kamay niya.

"Bugok ka ba? Alam naman niyang magkaibigan tayo since elementary. Nakwento ko pa nga yung natae ka sa panty mo tapos sabi ko sa teacher natin sasamahan kita umuwi. Ayon napaaga uwi natin pero ang baho mo talaga noon," aniya at tinakpan ang ilong niya.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Binatukan ko siya, napahawak siya sa batok niya at napadaing sa sakit.

"Siraulo ka talaga! Bakit mo naman sinabi 'yon?"

"Magka-video call kami palagi," aniya.

"Lahat na lang ng nakakadiri at nakakakilabot na nangyare sa buhay ko alam na alam mo! Wala ka bang ikukwento na maganda?" ani ko.

"Wala, ikaw."

"Anong ako?"

"Ikaw, maganda."

Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay sulit ang pag-aayos ko ng matagal para mabati niya ako na maganda.

"We?"

"Ito naman, hindi mabiro. Tara na, male-late na tayo."

Nawala ang saya ko dahil sa sinabi nito. Sinipa ko ang paa niya, muntik ma siyang matalisod pero tumakbo ako patungo sa building namin. BS Accountancy ang course ko at siya naman ay BS Entrepreneurship since may business sila. Iisa lang ang building naming Business Administration.

"Hoy, Seira!" sigaw ni Jairus.

Tumatawa ako habang paakyat ng hagdanan, hindi ko naman inaasahang makasalubong si Vinalyn. Ang babaeng gusto ni Jairus.

Napatitig ako sa kagandahan niya, kumikinang ang suot niyang alahas. Ngumiti siya sa akin.

"Seira, nasaan si Jai--"

"Nandito ako, baby!" ani Jairus at nilapitan si Vinalyn.

"Nakatulog ka sa video call natin," ani Vinalyn.

Napayuko ako. Masaya nang nag-uusap ang dalawa kaya iniwanan ko sila. Muli akong lumingon, hindi man lang naramdaman ni Jairus na nawala ako sa tabi niya, basta nandyan si Vinalyn.

Sino ba naman ako para kalabanin si Vinalyn. Dean's lister siya, mayaman, maganda, social media influencer. Samantalang ako? Heto, kailangan magtapos ng pag-aaral para may magandang buhay. Ni-hindi nga ako sanay sumakay sa kotse tapos siya araw-araw hatid sundo ng kotse nila.

"Oh, ang lungkot ng mukha mo," ani Anne pagpasok ko ng classroom.

"Pagod lang, sana may elevator na 'tong building," ani ko at bumagsak sa upuan ko.

***************

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon