Chapter 24

4.7K 163 24
                                    


Seira Anthonette's P. O. V.

Kakatapos lamang ng graduation namin, nakita ko ang mga tropa ko na nagtatalunan sa tuwa. Gusto ko ring makitalon pero may iniingatan akong bata sa sinapupunan ko. Bigla akong nilapitan ni Sammy.

"Girl! Picture naman tayo," aniya sabay ayos sa aking suot na toga.

"Tara, barkada goals!" ani ko.

Tumayo kami sa harapan ng stage. Tinawag ni Sammy ang isang kaklase nila para picture-an kami nina Gil, Raiko at Sammy. Bigla namang tumakbo si Jairus papalapit sa amin.

"T*ngina niyo! Hindi niyo 'ko inaaya!" sigaw ni Jairus.

Nagulat ako nang tumabi ito sa akin. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa aking balikat at mahigpit na hinawakan ang balikat ko. Dikit na dikit ang katawan niya sa akin.

"Tingin na dito!" sigaw ng estudyante na kukuha sa amin ng litrato.

"One! Two! Three! Smile!"

This is, our last picture together...

Balak ko nang bumili ng ticket ngayong araw. Bibilhin ko ang maagang flight dahil gusto ko na agad makaalis, makalayo, makapagsimulang muli.

Naniniwala ako sa kakayanan ko, hindi ko kailangan si Jairus para palakihin ang batang dinadala ko.

***************

Narito ako ngayon sa aking kwarto, inaayos ko ang mga bagahe ko para sa flight ko mamaya. Lahat ng gamit ko ay pinagkasya ko sa isang maleta at ang bag ko na pang-travel.

"Seira, baka pwedeng paki-tapon itong basura bago ka umalis? Nangangalay na ang mga daliri ko at napagod ako kanina sa trabaho," ani Mama.

Agad akong lumabas ng kwarto ko, binitawan ko ang ticket ng eroplano sa aking kama. Nakangiti si Mama na tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Pakiramdam ko, gaganda ka lalo kapag nandoon ka na. Pangmalalamig ang suotan doon, dinala mo ba lahat ng jacket mo?" tanong nito at hinawakan ang pisngi ko.

"Opo, Ma. Ayos na po ang gamit ko."

"Sige, sana naman makakuha ka ng magandang sahod doon nang gumanda ang kinabukasan mo. Kapag lumaon, tulungan mo ang kuya mo makahanap rin ng trabaho sa Amerika."

Ngumiti ako, hindi niya talaga nakakalimutan si Kuya. Alam kong galit siya pero mahal niya ito, sana ganoon rin siya sa akin oras na malaman niyang nagdadalang-tao pala ako.

Darating din ang tamang oras, masasabi ko rin kay Mama na buntis ako. Kailangan ko lang maging settled financially.

Tinapon ko na ang basura, mabilis lamang ako dahil baka makita pa ako ni Jairus, hindi ko alam kung nasaan siya pero hindi kami nag-uusap mula kahapon. Sabi ni Jairus ay pinag-uusapan at pinaghahandaan nila ang paparating na kasal.

Pagbalik ko sa bahay ay naghugas ako ng aking mga kamay, paglingon ko sa aking kuwarto ay nanlaki ang mga mata ko nang makita roon si Mama.

"Mama!" sigaw ko sa takot na baka galawin niya ang inayos kong gamit.

Pagpasok ko sa aking kuwarto ay huli na pala ang lahat. Para akong binuhusan ng malamig ng tubig. Napaawang ang labi ko nang makita si Mama na hawak ang isang papel... Ang papel ng ultrasound ko.

"M-Mama..."

Kita ko ang pamumula ng mga mata niya, unti-unting bumuhos ang kaniyang luha. Tuluyan na rin akong naiyak, ang plano kong pagtatago sa kaniya ay hindi na pala matutuloy, ngayong alam na niya ang totoo. Nakapangalan sa akin ang ultrasound na iyon.

"B-Buntis ka." Nanginginig ang kaniyang boses.

"S-Sorry... Ma..."

"Sorry? Seira, naririnig mo ba ang sarili mo? Buntis ka ngayon at wala ka man lang balak ipaalam sa akin?" nanggigigil niyang sambit.

"M-Ma, magpapaliwanag po ako--"

Napatigil ako nang bigla niyang isampal sa pisngi ko ang ultrasound ko. Nahulog ang papel sa sahig. Nanginginig ang mga kamay kong pinulot ito. Nang tumayo akong muli ay tinulak ni Mama ang balikat ko. Napataas ako at napasandal sa aking vanity mirror.

"Seira, buong akala ko iba ka sa kapatid mo. Nakapagtapos ka nga ng pag-aaral pero nabuntis ka nang hindi ikinakasal!? Sinong ama niyan?" Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "SINO!?" Niyugyog niya ang katawan ko.

"M-Ma..."

Wala akong magawa kundi ang lumuha. Hindi ko pwede sabihin na si Jairus ang ama ng pinagbubuntis ko, walang dapat makaalam na siya ang ama.

"Sumagot ka!"

"H-Hindi ko po kilala... M-Ma..."

"Malandi ka! Paanong hindi mo kilala!" sigaw nito sa aking mukha.

"H-Hindi ko po alam. L-Lalake po sa bar..." alibay ko.

Napayuko ako. Binitawan niya ako at dahan-dahan siyang umupo sa aking kama. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawa nitong palad.

"Diyos ko... Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa inyo. Una, ang kuya mo, tapos ngayon---"

"Ma, hindi ko po sinasadya--"

"Seira!" Tumayo ito. "Malaki ka na, alam mo ang tama sa mali at alam mong mabubuntis ka kapag ginawa niyo 'yon!" sigaw niya habang lumuluha.

"Bubuhayin ko 'to, M-Ma. Kakayanin ko po. M-Magtiwala kayo sa akin." Akmang hahawakan ko ang kamay niya pero tinabig nito ang kamay ko.

Tinignan niya ako ng masama, wala akong magawa kundi ang lumuha, hindi ko alam paano ko ipapaliwanag ang sarili ko.

"Wala akong anak na disgrasyada. Wala akong mga anak na tarantado. Isa lang naman ang hiling ko sa inyo ng Kuya mo, magandang kinabukasan lang. Ginagawa ko lahat, nagkakandakuba ako magtrabaho, mabigyan ka lang ng magandang edukasyon. Umaabot ng ilang daang libo ang tuition mo, Seira. Gumraduate ka nga, napapariwara pa rin ang buhay mo!" muli akong nakatanggap ng sampal sa kaniya.

Hindi ako makasagot. Tanggap kong mali ako, hindi ako nag-iisip at tanging pag-ibig ko lang ang pinapairal ko. Mali ako, nagkamali nga ako...

"Umalis ka na, wala akong anak na kagaya mo. Hindi ako nagpalaki ng disgrasyada." Hinawakan niya ang dulo ng damit ko. "Tumingin ka sa akin."

"M-Ma..."

"Walang makakaalam na nabuntis ka ng kung sinong lalake lang. Seira, dala ko ang kahihiyan niyang magkapatid. Ikamamatay ko, Seira..."

Binitawan niya ako at nanghihina itong naglakad palabas ng kwarto ko. Napaupo ako sa sahig at humagulgol. Dahan-dahan kong inayos ang mga natitira kong gamit.

Huminga ako ng malalim at tumayong muli, kailangan ko kumilos. Para sa anak ko, para kay Mama at Kuya. Kinuha ko ang maleta at ang bag ko. Lumapit ako sa kuwarto ni Mama na nakasarado ngayon.

"M-Ma, aalis na po ako. P-Pangako ko pong gaganda ang buhay ko, k-kahit may anak na ako. T-Tutuparin ko ang pangarap niyo, Ma..."

Hindi ko alam kung narinig niya ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking ticket at nilagay ito sa passport ko. Naglakad na ako palabas, palayo... Mukhang ito pa lang ang simula ng buhay ko, ang pagbabago.

*************

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon