Chapter 7

5K 136 20
                                    


WARNING: NOT SUITABLE FOR MINORS! THIS CHAPTER CONTAINS MATURED CONTENTS.

Seira Anthonette's P. O. V.

Nakahawak sa beywang ko si Raiko habang si Gil naman ay hawak ang braso ko. Lumabas kami ng bar, dahan-dahan kaming naglalakad habang nasa harapan namin si Vinalyn at Jairus. Hindi naman ako lasing, pero nahihirapan na ako ibalanse ang katawan ko dahil inaantok na ako.

"Seryoso, may problema ka ba talaga?" tanong ni Raiko sa akin.

"Wala."

"Kanina pa 'yan, ininom ba naman yung alak ko," ani Gil.

Huminto kami sa kotse ni Vinalyn. Tignan mo, may kotse naman pala ang babaeng 'to tapos nagpapahatid at sundo pa kay Jairus. Mabuti na lang at hindi siya lasing, makakapag-drive pa si Vinalyn.

"Ingat kayo, I'll go now. Have a good night, guys!" sigaw ni Vinalyn at kumaway sa amin bago pumasok sa kaniyang kotse.

Pilit akong ngumiti. Tinanggal ko ang suot kong leather jacket at inabot kay Raiko.

"Mauna na rin kami, mga 'Tol. Itong si Sammy, babagsak na," ani Luke.

"Sige, pre. Ingatan mo 'yang kaibigan namin, ha? Huwag mo muna bubuntisin 'yan, tatamaan ka samin," ani Raiko.

Naglakad na palayo sina Sammy at Luke. Nang mawala na ang kotse ni Vinalyn ay lumapit na sa akin si Jairus.

"Tsk, tsk. Nasobrahan ka ata sa inom ngayon, we supposed to have fun, not to be drunk," ani Jairus.

"I had so much fun that I end up being drunk, charot. Hindi ako lasing," ani ko.

Binitawan ako nina Raiko at Gil. Hinawakan ni Jairus ang braso ko saka inakay.

"Ikaw na bahala kay Seira. Mauuna na kami ni Gil."

"Sige, pre. Ingat kayo."

Naghiwalay na kami ng landas nila Gil. Habang naglalakad kami ni Jairus patungo sa kaniyang kotse ay amoy na amoy ko ang pabango ni Vinalyn na kumapit na sa kaniya. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko.

"Naka-ilang bote ka ba?" tanong niya.

"Hindi ko alam."

Binuksan ni Jairus ang pinto sa passenger seat saka ako inalalayang pumasok. Napasandal ako sa kinauupuan ko, alam kong naupuan na rin ito ni Vinalyn.

Tumingin ako kay Jairus na nasa driver's seat na. Binuksan niya ang makina ng sasakyan saka ibinaba ang bintana namin. Lumapit siya sa akin para hilahin at isuot ang seatbelt ko. Napatingin ako sa kaniyang labi, napapaisip ako kung natikman na rin ba iyon ni Vinalyn.

"Thank you, Seira."

Napakunot noo ko. Hindi ko alam kung saan siya nagpapasalamat. Nagsimula na siyang magmaneho.

"Bakit kanina ka pa nakatingin sa akin? Masyado ka bang nagagwapuhan sa 'kin?" pagmamayabang niya.

Mahina akong tumawa.

"Naisip ko lang, mukhang sobrang saya mo kay Vinalyn. Kayo kaya ang magkatuluyan?" tanong ko at nag-iwas ng tingin.

Naramdaman ko ang paghawak ni Jairus sa aking kamay. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Kung sana lang pwedeng kami na lang talaga.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon