Seira Anthonette's P. O. V.
Kinabukasan, habang nagsusuklay ako ng aking buhok ay narinig ko ang pagsipol ni Jairus. Nagawa pa nitong kumanta, pumasok agad sa isip ko ang sinabi ni Vinalyn sa akin patungkol sa relasyon namin ni Jairus. Dapat ko na siyang iwasan, kahit ba labag ito sa loob ko.
"Seira, anak! Nandito na si Jairus. Pumasok na kayo at matutulog na ako," ani Mama sabay katok sa pintuan ng aking kwarto.
Napabuntong hininga ako. Lumabas ako ng kwarto nakita ko si Jairus na nakangiti habang nakaupo sa aming sofa na tila ba at home ito.
"J-Jairus, p-pwede bang mauna ka na?" pilit kong sambit.
"Oh, bakit?"
"Basta... Ano kasi."
"Ano? Sabay na tayo, bubuksan ko ulit bintana ng kotse ko--"
"Natatae pa ako, Jairus." Wala na akong maisip na ibang dahilan sa kaniya.
"Hihintayin kita, hindi pa naman tayo late--"
"Feeling ko may LBM ako kaya mauna ka na pumasok, okay lang ako ma-late, para hindi ka na madamay--"
"May gamot ako sa LBM, anak. Sandali." Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin iyon ni Mama.
"Ayan pala, may gamot si Tita Sonya," aniya.
"Ah... Ano kasi, nahihiya ako sa 'yo, tatae muna sana ako kaya mauna ka na pumasok."
"Sa akin ka pa talaga nahiya?" tumawa ito.
Bigla namang bumalik si Mama dala ang isang banig ng gamot sa pagtatae. Napalunok ako ng sarili kong laway, kailangan ko ba inumin ito? Hindi naman talaga ako nagtatae!
"Oh, Seira. Uminom ka, dalhin mo na sa school para kapag humilab ulit ang tyan mo uminom ka lang," aniya sabay abot nito sa akin.
"Ma, bakit ang dami niyong gamot?" tanong ko.
"Anak, call center agent ako," aniya at pinanlakihan ako ng mata.
"Ano, tara na?" tanong ni Jairus.
"Banyo muna ako," ani ko at lumabas ng aking kwarto.
Kahit hindi ako nababanyo ay nanatili ako sa banyo hanggang sa lumipas ang oras. Ilang minuto pa ay narinig ko na ang pagkatok ni Jairus sa pinto ng banyo.
"Time na, Seira!" sigaw nito.
"Please, mauna ka na!" sigaw ko.
"Sige, hinahanap na rin ako ni Vinalyn. Una na ako, ha? Mamayang uwian na lang tayo magsabay."
Hindi ako nakasagot, nalulungkot ako ngayong hindi ko siya kasabay, wala akong magawa. Kaysa naman mag-away pa kami ng girlfriend niya.
***********************
Lunch break, nagkaroon ako ng warning sa record ko dahil late ako ng pasok. Sobrang nakakainis, perwisyo ang pag-iwas ko kay Jairus. Dahil sa babaeng 'yon!
"Seira, yung boyfriend mo hinihintay ka na," ani Althea.
Napataas ang kilay ko, alam ko na kaagad kung sinong tinutukoy nila. Walang iba kundi si Jairus. Nang lingunin ko ito sa pinto ng room namin ay nakangiti pa ito.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...