Chapter 82

2.8K 100 18
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

"What about this template, maganda ba?" tanong ni Jairus.

Narito kami sa bahay nila. Nakaupo kami sa sala habang nakaharap sa kaniyang laptop. Tumitingin kami ng mga template ng wedding invitations.

"Parang mas maganda yung una, pero parang may kulang doon sa una," sabi ko.

Nag-scroll pa si Jairus. Isang white and gold theme ang pumukaw sa atensyon ko, sobrang ganda nito at elegante pa tignan.

"Ito kaya? Ang ganda oh, CEO theme. Bagay na bagay sa 'yong CEO!" masaya kong sabi.

"Talaga ba? Tapos hindi na ba natin ilalagay sa envelope—"

"Yes! You're dead now!" napahinto si Jairus sa pagsasalita nang sumigaw si Wayne ng sobrang lakas habang nakahiga sa sofa. Kasalukuyan siyang naglalaro sa cellphone ni Jairus.

"Ano ba, Wayne!? Can you lower your voice? Can't you see na nag-uusap kami rito—"

"Seira..." hinawakan ni Jairus ng mahigpit ang kamay ko.

"S-Sorry Mama..." napayuko si Wayne.

Napabuntong hininga ako at napahawak sa aking ulo. Gusto ko lang matapos na kami dito para makapagpahinga kami, ayoko na ipagpabukas ang lahat dahil malapit na rin ang kasal. We'll held our church wedding by next month, bago mag-birthday si Wayne.

"Your Mama and I are trying to focus, anak. Can you play quietly? Or kung gusto mo pumunta ka sa kwarto natin sa taas, buksan mo yung PS4 ni Papa?" nakangiting sabi ni Jairus.

"Really, Papa? Can I play that too?" tuwang-tuwa sabi ni Wayne sabay tayo.

"Of course, tara at i-set up na muna natin." Tumayo si Jairus.

Naiwan akong mag-isa sa sala. Napasandal ako sa kinauupuan ko at napatingin sa paligid. Now, we're living in the same roof. Dito na kami natutulog kasama si Jairus pero hindi pa rin namin nadadala lahat ng gamit namin dito.

Ngayong mag-isa si Mama sa kabilang bahay, parang gusto niya raw ayain si Kuya Benjie na doon tumira kasama niya tutal wala na siyang kasama kapag umalis na rin si Dorothy. Para din daw sama-sama lang kami, although hindi pa nakakausap ni Mama si Kuya Benjie at palaging busy sa trabaho at sa pamilya niya.

"Seira, tinakot mo yung bata. Pwede mo naman pagsabihan ng maayos," ani Jairus at umupo sa tabi ko.

"Nakakairita kasi, gusto ko na maayos lahat para wala na kong iisipin pa—"

"Seira, are you pressured because of our wedding?" may lungkot sa boses ni Jairus.

"H-Hindi sa ganoon, gusto ko lang ma-settled na lahat para okay na. Gusto ko na ring ikasal tayo, para legal at official na tayong mag-asawa," mahinahon kong sabi.

"Okay, let's proceed..."

*********************

Kinabukasan, naririnig ko ang boses ni Jairus at Wayne. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko ngunit nakaramdam ako ng pagsakit ng aking ulo. Nakita ko si Jairus na pinupunasan ang buhok ni Wayne at walang saplot si Wayne na kahit ano.

"Nakaligo ka na?" tanong ko.

"Yes, Mama. I really love Papa's bath tub!"

"It's your bath tub too, anak. Dito ka na nakatira, hindi ba?" ani Jairus.

"Yes, Papa. We don't need to boil hot water because you can change the water temperature in the bathroom!" amaze na amaze ang anak ko.

Sumandal ako sa headboard ng kama. Naramdaman ko ang paglapit ni Jairus sa akin.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon