Chapter 66

2.4K 82 22
                                    


Seira Anthonette's P. O. V.

Kinabukasan, sabado. Late na akong nagising dahil wala namang pasok si Wayne. Pagdilat ko ang mataas na ang sikat ng araw. Nagtungo ako sa kusina at naririnig ko ang boses ni Mama sa labas ng bahay. Napagtanto kong paano makakalabas si Mama gamit lang ang saklay.

"Ma!"

Sumilip ako sa labas at nadatnan ko si Jairus na inaalalayan si Mama maglakad nang walang saklay.

"Anak, lumalakas na ulit ang tuhod ko!" masayang sigaw ni Mama.

Napatingin ako kay Jairus na abot langit ang ngiti. Tila ba kumikislap ang mga mata nito na parang nakangiti rin. Napairap ako sabay talikod.

"Psh, nandito na naman siya. Feeling close nung una kay Wayne, ngayon pati na kay Mama." Bumubulong ako habang naglalakad patungo sa kusina.

"You're awake!"

"Ay palaka!"

Nagkagulatan pa kami ni Wayne nang bigla siyang lumabas ng banyo. Basa ang kamay nito, akmang ipapahid niya na naman sa damit ang kamay pero agad kong hinawakan ang braso niya.

"Oh, saan ka na naman magpupunas. May twalya sa ref, doon ka magpunas." Tinuro ko ang refrigerator.

Mabilis namang sumunod si Wayne sa utos ko. Naghilamos ako sa lababo at kumuha ng tissue para punasan ang mukha ko.

"Mama, I woke up earlier than you today," aniya.

"Body clock siguro, anak. Nasasanay kasi gumising ang katawan mo ng 6 am." Tinapon ko sa basurahan ang tissue na ginamit ko.

"Yup, you should eat, Mama. Ninong ordered a pancake burger from a fast food. Sobrang sarap, lalo na po yung syrup." Binuksan niya ang takip ng ulam sa table at tumambad ang pancake burger saka hot chocolate.

"Jobless na nga gastusero pa rin," bulong ko.

"What did you say, Mama?"

"Ah—wala. Ikaw, kumain ka na?"

"Yes, Mama. I'll go to Ninong now. Bye!" mabilis siyang tumakbo palabas ng bahay.

Rinig ko agad ang tawa ni Wayne. Masaya akong makitang nagiging masaya siya, mukha namang kahit sa ganitong sitwasyon lang ay ayos lang kahit hindi na niya malaman na tatay niya si Jairus.

Malalaman pa niya ang dahilan kung bakit ko siya itinago sa ama niya. Dahil balak magpakasal ng tatay niya sa ibang babae.

Muli ay kumirot ang puso ko nang maalala ang nakaraan. Parang bumabalik ang sakit tuwing sumasagi sa isip ko na binalak niyang pakasalan si Vinalyn. Nagawa niyang lumuhod sa babaeng tunay niyang mahal na kahit kailan hindi niya magagawa sa akin.

"Mabuti na lang talaga at nariyan ka. Oh siya, bukas naman ulit." Napalingon ako sa pinto ng bahay.

Akay ni Jairus si Mama papasok ng bahay, inupo niya ito sa sofa. Naupo naman ako sa hapagkainan at tinikman ang lumamig nang chocolate drink. Kinain ko na rin ang pancake burger.

"Basta po wala akong gagawin tuwing umaga, dadaan po ako dito para maglakad-lakad tayo." Mayabang na naman ang tono ng boses ni Jairus na kinaiinis ko.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon