Seira Anthonette's P. O. V.
Paglapag ng eroplano, muli kong binuksan ang cellphone ko para i-message si Dorothy na nandito na ako. Nag-usap kami na susunduin niya ako sa terminal three, dahil dito ang labas ko. Kinuha ko na ang baggage ko mula sa baggage center saka tumayo sa labas.
Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin, palubog na ang araw. Biglang lumabas ang notification sa aking cellphone, ang daming missed calls ni Jairus at messages. Wala na akong balak i-seen ang mga iyon. Hindi na niya ako kailangan, nariyan na si Vinalyn sa tabi niya habambuhay.
Tinanggal ko ang sim card ng aking cellphone.
"Seira!" napalingon ako sa gilid ko.
Nakita ko si Dorothy, nakangiti ito habang sinasalubong ako. Hindi ko napigilan ang maiyak, sa wakas ay nagkita na kami matapos ang ilang taon na sa cellphone lang kami nag-uusap.
Niyakap ko siya, napasubsob ako sa balikat niya at hinayaang bumuhos ang luha ko. Hinagod niya ang aking likod.
"Oh, Seira! Bakit ka umiiyak? Does something happened?" aniya.
"W-Wala. Na-miss lang kita," bulong ko.
Hindi ko masabi sa kaniya ang kalagayan ko, buntis ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, nababaliw na ako sa kakaisip na maging matatag ako kahit sa totoo lang kailangan ko ng kaagapay para maging malakas ako. Si Dorothy lang ang naiisip kong tutulong sa akin.
"Shh! Nandito na ako, girl. You're here to enjoy, stop crying." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.
Hinawakan niya ang maleta ko at hinila ito. Napangiti ako, tila ba kahapon lang kami nagkita kung umasta siya.
"Tulungan mo 'ko, puro english dito," bulong ko na ikinatawa niya.
"Oo na! Ako ang human translator mo!" aniya habang pasakay kami ng taxi.
Napakapalupot ang kamay ko sa kaniyang braso kahit nasa loob kami ng taxi. Sinabi niya rin sa driver na bababa kami ng Los Angeles. Hindi ko naman kabisado ang mga lugar dito kaya si Dorothy na ang bahala sa akin.
Ang baby ko, ipapanganak kita sa America, sana naman ma-survive ko ito. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo.
"Seira! By the way, ipapasyal kita sa company na sinasabi ko sa 'yo. The owner is my father's friend, so I am sure na makakapasok tayo."
Gusto ko sumigaw sa tuwa. Sa wakas ay sigurado na agad ang trabaho ko. Sana kayanin ko lahat ng pagod kahit na buntis ako.
"Sa tingin mo ba kukuhanin talaga ako? Freshly graduate ako, hindi pa ako nag-board exam--"
"G*ga! Iyon nga hanap nila, mga freshly graduate. Maganda naman ang sahuran dito, mabait kasi may-ari."
Napatango ako. Ilang sandali lang ay bumaba kami sa isang malaking restaurant. Namangha naman ako sa ganda ng Los Angeles, hindi ko inaasahan na ganito pala kaganda ang mga building dito, malinis ang paligid maayos ang daloy ng mga sasakyan kaya walang traffic.
Bumaba kami ng sasakyan, muling hinila ni Dorothy ang maleta ko. Nauna siyang pumasok sa loob ng restaurant kaya sumunod ako sa kaniya. Napatingin ako sa paligid at nakaramdam ng hiya, sobrang gaganda ng suot ng mga ka-edad ko. Kahit malamig ay talagang kita ang katawan ng iba. Mukhang ako lang ang hindi sanay sa lamig dito.
"Seira, this where my mother works. Mom! Nandito na si Seira!" masiglang sabi ni Dorothy.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Tita Adeline na nakasuot ng pang-chef na uniform. Hinubad niya ang plastic gloves sa kaniyang kamay at lumapit sa akin. Niyakap niya ako.
"Good to see you here! Sa susunod si Sonya naman at ang kapatid mo ang dalhin mo dito," aniya at ngumiti.
"Opo, Tita. Salamat din po sa pagpayag niyong tumuloy ako sa bahay niyo. Pangako ko po talaga magtatrabaho ako ng mabuti," ani ko.
"Pamilya tayo, Seira. Sige na maupo na kayo, ako nang bahala sa pagkain ninyo."
"Salamat po, Tita."
"Thank you, Mom!"
***************
Nang matapos kaming kumain, madilim na pero mas lalong gumanda ang kapaligiran. Dahil sa liwanag ng building at mga ilaw ng sasakyan, kitang-kita ang kamangha-manghang tanawin. Kinuha ko ang cellphone ko saka ito kinuhanan ng litrato."Walking distance lang yung building ng company na pagtatrabahuhan natin, would you like to walk there?" tanong ni Dorothy.
"Oo, sige!" nakangiti kong sambit.
Hindi ko ramdam ang pagod dahil panay ang kwento ni Dorothy habang naglalakad kami, tinuturo niya pa ang daan, kung paano sumakay at saan dapat sumakay. May mga binanggit rin siyang rules.
Nang matapos kaming mamasyal, nagpasya na kaming umuwi. Nasa thirty minutes rin ang byahe pauwi sa bahay nila Dorothy. Pagdating sa bahay nila ay naroon ang nakababata niyang kapatid na si Jezelle at ang bunso nilang kapatid na lalake na si Twescry, kulay blonde ang buhok nilang magkakapatid.
"Say hi to your cousin, she is Seira." Tinuro ako ni Dorothy.
Kumaway ako sa kapatid niya.
"Hello, Seira. They said you're gonna live here, do you want to sleep in my room--"
"No, she's sleeping in my room," sabat ni Dorothy.
"She's a Filipino, right? Would you also teach me how to speak tagalog like my sister? She's really great!"
Napangiti ako, mabait din ang kapatid niya. Sa pagkakaalam ko ay highschool na ito. Samantalang ang bunso nila ay nasa limang taong gulang pa lamang at mahiyain.
"Seira Anthonette, welcome to our home!" bati sa akin ni Tito Serge.
"Good evening, Mr. Serge--"
"Nah! Don't call me Mr. We're family here. I hope you will feel comfortable living here with us. Dorothy told me a lot about you," aniya at ngumiti.
Ano na naman kayang pinagsasasabi ni Dorothy sa kaniyang ama?
"It's my pleasure to be here, thank you so much for letting me stay."
****************
Hindi ako makatulog, marahil ay naninibago pa ang katawan ko sa lagay ng klima, ibang kama, bagong environment at bagong lugar. Kinuha ko ang aking cellphone, ang daming message mula kay Sammy, Raiko, Gil at Jairus.
Dahan-dahan akong napaluha, hindi ko na naman mapigilan ang emosyon ko. Dati ay nakakaya kong pigilan ang luha ko, dahil din siguro sa pagbubuntis ko ito. Lihim akong umiyak dahil tulog na si Dorothy. Pinindot ko ang deactivate sa lahat ng social media accounts na mayroon ako, bibili na lang din ako ng bagong sim na pang-america ang number.
Ngayon, natapos na kami ni Jairus. Masakit isipin na natapos kami nang hindi man lang kami nagsisimula. Hindi naging kami, kahit kailan hindi magkakaroon ng happy ending sa pagitan naming dalawa.
Masaya na ako sa panandalian naming pagsasama, dahil sa wakas makakasama na niya ang babaeng mahal niya, habambuhay.
******************
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomantikSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...