Chapter 80

3.3K 118 31
                                    


Seira Anthonette's P. O. V.

Tumatakbo ako patungo sa E.R kung nasaan daw ngayon si Jairus base sa sinabi ni Clara. Natagpuan ko sa upuan sa hallway si Clara na nakaupo habang umiiyak.

"Clara!" Hindi ako mapakaling tumakbo sa kaniya at hinawakan ang balikat nito.

"Iniwan ako rito ng secretary ni Sir Jairus, sinundo niya ang parents ni Sir tapos sabi ng nurse na wala na si Sir Jairus. Kahit hindi ko close si Sir, sobrang sakit malaman na wala na siya!" sigaw ni Clara at napatakip ng kaniyang mukha.

Dahan-dahan akong napaluhod. Parang may kung anong humigop ng kaluluwa ko, wala akong magawa kundi ang umiyak. Hindi na maibabalik si Jairus, kahit ano pang gawin ko. Huli na ang lahat.

"Jairus..." Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang hindi na natigil sa pagpatak.

"Jairus!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at napasigaw ako sa hallway. Hinawakan ako ni Clara sa braso at dahan-dahang hinimas ang aking likod. "Hindi ko man lang nasabi sa 'yo ang totoo! Hindi ka pwedeng mawala nang hindi mo nalalaman na anak mo si Wayne! Iyong-iyo si Wayne at sa 'yo siya nanggaling! Dugo't laman mo si Wayne, Jairus! Ikaw ang ama niya!" sigaw ko habang nakatingin sa langit.

Napahawak ako sa aking dibdib na pakiramdam ko ay may pumipiga sa aking puso. Para akong mahihimatay, para akong nawalan ng pag-asa sa buhay.

"S-Sir Jairus?" Napatigil si Clara at napatingin sa likod ko.

Sandali ay natigil ako sa pag-iyak at napalingon sa direksyon kung saan siya nakatingin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jairus na nakaupo sa wheel chair habang may mga benda sa braso, kamay, hita at band-aid sa sentido.

"J-Jairus." Napatayo ako.

Kitang-kita ko ang luha sa kaniyang mga mata. Maski si Tita Jennifer na nasa likod niya at nagtutulak sa kaniya ay lumuluha rin. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, pero ang mahalaga ay nakikita ko ngayon si Jairus, na buhay.

Biglang tumayo si Jairus mula sa wheel chair. Nakakadalawang hakbang pa lang ito papalapit sa akin nang bigla siyang tumumba. Natataranta akong tumakbo sa kaniya upang alalayan ito. Bigla siyang napahagulgol nang lumuhod ako sa harapan niya. Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.

"J-Jairus... S-Sorry, inaamin kong nagkamali ako. Naging selfish ako at hindi ko sinabi ang totoo kaagad dahil—"

"H-Huwag ka na magpaliwanag pa.... S-Seira... P-Pinasa mo 'ko ng husto..." Nanghihina niyang bulong sa aking tenga kasabay ng paghikbi nito.

Muli akong napaluha, ngayon ay dahil sa saya. Dama ko ang pagtanggap ni Jairus sa akin at sa aming anak. Sa wakas ay nasabi ko rin sa kaniya ang matagal ko nang lihim.

"I'm sorry, Jairus," napapikit ako habang yakap siya.

"I can't believe that I already have a grandson! Matanda na pala talaga ako, Seira. Bakit ngayon mo lang sinabi? I didn't know that the two of you had a relationship before! Ilang taon na ba ang apo ko?" naluluhang sambit ni Tita Jennifer.

"Magli-limang taon na po, Tita. Patawarin niyo po ako sa pagtago ng lahat," sambit ko.

Dahan-dahan naming inakay si Jairus pabalik sa wheelchair nito. Biglang umasim ang kaniyang mukha kaya nag-aalala akong lumuhod sa harapan niya upang hanapin kung saan masakit.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon