Chapter 48

3.6K 111 21
                                    

Jairus Gael's P. O. V.

Kitang-kita ko ang galak sa mukha ni Wayne nang una niyang masilayan ang bago kong binili na kotse. I am planning for a long time, na bumili ng kotse. Ang problema, hindi ko alam anong klase ng kotse ang bibilhin ko. Then yesterday, Wayne told me about his favorite car ferrari with his favorite color blue.

"Jairus, ano 'to? Bakit hawak ni Wayne 'yang susi---"

"Oh, buddy. Baka isipin mo ibibigay ko 'to sa anak mo." Tumawa ako at ibinaba si Wayne.

Napatitig ako sa magandang mukha ni Seira. Ngayon ay magkasalubong na naman ang kilay niya, tuwing makikita niya ako ay hindi na siya naging masaya. Handa naman ako gawin ang lahat mabago lang ang pagtrato niya sa akin, kahit ano ay hahamakin ko, makita ko lang ulit siyang ngumiti sa akin.

"Pare, mukhang bago 'yan," bati ni Kuya Benjie.

"Oo, Kuya. Binili ko kaninang umaga lang. Nabanggit din kasi ni Wayne na pangarap niyang sumakay sa Ferrari na kulay blue. Naisip kong ito na lang ang bilhin kong kotse." Ngumiti ako.

Nakita kong bumulong si Kuya Benjie kay Seira. Siniko ni Seira si Kuya. Nakakapagtaka, ano kayang pinagbubulungan nilang dalawa na hindi ko alam?

"Wayne, come here." Sumenyas si Seira kay Wayne.

Tumingin muna sa akin si Wayne na tila ba humihingi ng tulong dahil mukhang papagalitan na naman siya ng kaniyang ina.

"Seira, heheramin ko muna 'tong inaanak ko." Binuhat ko si Wayne.

"Jairus!"

"Huwag mo na pagalitan yung bata. Baka magalit ka na naman sa akin na pinangungunahan kita. Ayoko lang na makitang sesermonan mo si Wayne dahil sa akin. Papasyal lang kaming dalawa tapos ibabalik ko rin mamaya---"

"Wayne, bumaba ka. Hindi ka sasama---"

"Bunso, hayaan mo na muna mag-enjoy yung anak mo. Hindi mo ba nakita yung saya niya sa kotse na 'yan?"

Napatingin ako kay Kuya Benjie nang magsalita siya. Napangiti ako at nagkatinginan kami. Mukhang may bro-code na kami ni Kuya? Nakakatuwa, minsan lang magsalita si Kuya Benjie pero may kabuluhan.

"Oo nga, Seira. Iingatan ko naman 'tong si Wayne," ani ko.

"Hindi mo masasabi ang aksidente--"

"Ipapasyal ko lang sa intramuros 'to, sandali lang 'yon," ani ko.

"Hindi pa siya nagla-lunch--"

"Papakainin ko, hindi ko papainumin ng softdrinks, makakaasa ka." Binuksan ko ang pinto ng kotse.

Akmang susugod sa akin si Seira pero nakita kong hinawakan ni Kuya Benjie ang braso ni Seira. Wala siyang nagawa dahil isinakay ko na si Wayne.

"Thank you, Ninong. Mama is really scary, she's mad," bulong ni Wayne.

"It's okay, nandito naman ako. By the way, you can't seat at the passenger because kids are not allowed there," ani ko.

"I know, Ninong. I'm satisfied sitting here."

Ngumiti ako, ginulo ko ang buhok niya bago isarado ang pinto.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon