Chapter 58

2.5K 85 15
                                    

Seira Anthonette's P.O.V.

Late na akong nagising ngayong araw, kung dati ay alas-sais pa lang naglilinis na ako ng bahay at nagluluto ng almusal. Nililinis ang sugat at pinapaliguan si Mama. Gulat na gulat akong bumangon ng 8 am.

"Sh*t!" sigaw ko at napatayo.

Narinig ko ang tawa ni Mama. Kinusot ko ang mga mata ko at naglakad palabas ng kwarto. Nadatnan ko si Mama na nakaupo sa harapan ng hapagkainan habang si Wayne ay nakatayo sa upuang nakatapat sa kalan. Nakatayo si Jairus na may suot na apron, puno ng kalat ng harina at pinaggamitan na plato saka mangkok sa lababo.

"My gosh... What a mess," bulong ko.

"Oh, anak. Mabuti at gising ka na, tignan mo ang apo ko, mukhang magiging chef paglaki," abot langit ang ngiti ni Mama habang tinuturo si Wayne kasama ni Jairus.

Napabuntong hininga ako at lumapit sa kanila. Napakunot ang noo ko nang makitang pancake ang niluluto ng mag-ama.

"Request ni Wayne 'tong pancake. Maupo ka na doon, kami nang bahala maghanda ng almusal," ani Jairus sa akin at ngumiti.

"Hindi pa kayo nag-aalmusal? Sorry talaga napuyat kasi ako kagabi, hindi ako kaagad makatulog kaya—"

Napatigil ako sa pagpapaliwanag nang tumawa si Jairus.

"Parang baliw 'to! Nandito naman ako. Hindi naman ako sunog magluto. Saka mas okay na rin na nakapahinga ka, ang dami mong inaasikaso masyado," aniya.

"Mama! Look! It's perfect circle. Yes, I made it!" sigaw ni Wayne.

"Very good, anak!" Bahagya kong tinapik ang tuktok ng ulo ni Wayne.

Iniwan ko na sila at nagtungo ako sa banyo. Habang umiihi ako ay naririnig ko pa rin ang tawa ni Mama at Wayne. Nakakapanibago, na parang pakiramdam ko ay buo ang pamilya ni Wayne. Naroon ang kaniyang ama at kapiling niya, tapos ako...

Napabuntong hininga ako at naghilamos ng mukha gamit ang sabon na aking kinahiyangan. Nagsipilyo rin ako at nagpunas ng bimpo. Paglabas ko ng banyo ay nakahanda na sa lamesa ang pagkain. Naupo ako sa tabi ni Wayne, habang si Wayne naman ay katabi sa kabilang gilid si Jairus.

Inikot ko ang paningin ko, parang hindi ko nakikita si Iverson.

"Ma, umalis ba si Iver?" tanong ko.

"Oo, anak. Kanina pa. Saan nga ulit siya pumunta, Jairus?" tanong ni Mama kay Jairus.

Sobrang mahinahon at mabait ang pananalita ni Mama walang kahit anong galit o kinikimkim mula sa nangyare noon sa amin, para tuloy gusto ni Mama si Jairus. Noon ay si Iver ang gusto.

"He went to the market, mamimili ata pagkatapos bibili ng plane ticket. Hindi ba next week uuwi babalik na siya ng Amerika?" tanong ni Jairus at tumingin sa akin bago isubo ang pancake na hawak niya.

Napatango ako ng ilang beses.

"Dada will leave us na po ba?" tanong ni Wayne sabay hawak sa aking kamay.

Tumango ako sa kaniya. Unexpectedly, hindi man lang lumungkot ang mukha niya. Hindi kagaya noon na ayaw niyang mawalay sa kaniyang Dada.

"I-Is it okay to you, anak? Dada will go back to America for his work."

"It's okay, Mama. Ninong is here," aniya sabay lingon kay Jairus.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon