Seira Anthonette's P. O. V.
Lumipas ang ilang araw, na pakiramdam ko sobrang perpekto ng lahat. Kasalukuyan kaming naglalakad sa amusement park, kasama namin si Dorothy dahil gusto niyang makapasyal.
"Look Ninong—I mean, Papa!" sigaw ni Wayne sabay turo sa malaking ferris wheel.
Napahinto ako sa paglalakad. I suddenly felt guilty, kahit na okay na ang lahat. Ngayong nakikita kong malaking adjustment ito kay Wayne. Ngayong nalaman niyang si Jairus ang tunay niyang ama.
"Grabe, from Ninong to Papa." Tumayo sa tabi ko si Dorothy habang pareho naming pinagmamasdan ang mag-ama na magkahawak ang kamay.
Tipid akong ngumiti. Sinasanay na niya ang sarili niya kay Jairus, ang importante ay masaya sila pareho.
"Seira, gusto sumakay ni Wayne sa ferris wheel, sasama ka ba?" tanong ni Jairus.
"Ako, gusto ko rin pero solo ride!" sabi ni Dorothy at tumakbo patungo sa pila pasakay ng ferris wheel.
Lumapit ako sa kanila at tinignan ang taas nito. Napabuntong hininga ako, baka hindi kayanin ng fear of heights at motion sickness ko. Ang dami kong sickness sa buhay na mabuti na lang hindi namana sa akin ni Wayne.
"Sige, sasama ako para kay Wayne," sabi ko.
"Sure ka ba? Hindi ba takot ka sa matataas—"
"Kaya ko, para kay Wayne."
"Hu, takot ka lang maiwan dito," pang-aasar niya.
Hinampas ko siya ng malakas kaya sinamaan ako ni Wayne ng tingin.
"Don't hurt him, Mama."
"Psh, sige magsama kayo. Pagtulungan niyo 'ko, ha?" natatawa kong sabi.
Pumili na rin kami. Hanggang sa masakay kami sa ferris wheel. Habang papasakay pa lang ay kinakabahan na ako sa pag-ugoy ng ferris wheel.
"Sh*t, feeling ko babagsak—"
"Huwag ka magmura, baka gayahin ng anak natin," ani Jairus.
Kinandong niya si Wayne at umupo sa tapat ko, hindi kami pwedeng magkakatabing lahat at hindi magiging balance.
"Ayan na, umaandar na!" natataranta kong sabi sabay silip sa ibaba.
"Papa, look there's Ninang Ganda in the other side!"
Nagkawayan si Wayne at Dorothy. Nakita kong naka-video pa ang cellphone niya habang kumakaway. Ako naman ay hindi na mangiti dahil pataas na kami ng pataas.
"We're getting higher and higher to the super higher!" sigaw ni Wayne at lumundag na ikinagulat ko.
Mabilis akong napahawak sa railings.
"Anak, can you sit down here alone. Your Mama needs me, she have fear of heights," rinig kong sabi ni Jairus kay Wayne.
Tumango ang bata at naupo nang maayos habang nakatingin sa labas na kitang-kita ang magandang view. Lumapit sa akin si Jairus at tinabihan ako. Napakapit ako sa braso niya.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...