.....earlier...."Tay ano ho? Ipapakasal niyo po ako sa lalaking diko kilala?" Lito at mataas ang boses kong wika matapos niyang sabihin ang plano niyang ipakasal ako kay Mr. Flaumel, taong hindi ko kilala.
"Anak naman makinig ka sa akin. Mayaman siya at wala namang masama roon. Para ito sa pamilya natin."
"Pero Tay, naririnig niyo po ba ang sinasabi niyo, ipapakasal niyo ako sa lalaking hindi ko kilala ng dahil lang sa pera. Para niyo na rin po akong ibinenta nun!"
"Eh para naman sa pamilya natin anak. Wala eh, sinubukan ko namang maghanap ng trabaho simula noong matanggal ako sa Auto company eh kasu wala. Matanda na ako, hindi na nila ako gustong kunin. Maliliit pa ang mga kapatid mo. Hindi ko kakayaning buhayin sila."
"Eh kaya nga ho ako nagtatrabaho Tay diba. Nag-iipon po ako ngayun para makasunod kay Marro sa Spain. Nang sa ganun eh mas makatulong ako sa pamilya natin tulad na lamang ng pangako ko kay mama bago siya mamatay."
"Eh kailan pa anak. Magpakasal ka na lamang kay Mr. Flaumel. Buo na ang desisyon ko!"
"Pero Tay, ikakasal na po kami ni Marro."
"Abay kelan anak? Limang taon ka ng naghihintay sa Marrong yan! Asan siya wala! Palibhasa kapwa nating hampas lupa kaya nahihirapang makaipon para sa pagpapakasal ninyo!"
"Tay kahit katulad lamang po nating mahirap si Marro, mahal na mahal ko po siya at siya lang ang gusto kong makasama habam-buhay. Masipag at mabuti po siyang tao."
"Hindi ka mabubuhay ng pagmamahal na yan anak. Hindi ka mabubuhay ng ulila at hampas lupang Marro na yun. Kaya magpapakasal ka kay Mr. Flaumel para sa pamilya natin. Naintindihan mo ba ako?! "
"Grabe naman ho kayo Tay. Mabuti pong tao si Marro at hindi niya po kasalanan na ulila siya ngayun dahil wala ho siyang maalala na kahit ano sa nakaraan niya o sino ba talaga siya. Namatay na ho ang mga kumupkup sa kanya kaya ako nalang ho ang meron siya, tayo."
"Pwedi ba Sabina tigilan mo ako sa kadramahan mong iyan. Kalimutan mo na rin si Marro dahil magpapakasal ka kay Mr. Flaumel!"
Mariin niyang saad kaya naman napatulo lamang ang aking luha.
"Kung ayaw mo talagang magpakasal sa kanya sige, hindi na kita pipilitin." Mayamaya pa ay saad niya.
"T-talaga Tay?!" Masaya kong saad ngunit naglakad siya papuntang pinto at binuksan iyun.
"Oo naman at bukas ang pinto para sayo dahil simula ngayun wala ka ng lugar sa pamamahay na ito at wala ka na ring mga kapatid. Naintindihan mo!"
"Tay naman, bakit naman ho kayo ganyan. Hindi ko ho kaya ang sinasabi ninyo."
"Oh kung ganun edi sumunod ka nalang. Paparating na ang mga tauhan niya ngayung gabi para sunduin ka."
"Tay ayuko nga po!"
"Kung ganun umalis ka na! Kung ayaw mong gawin, ang kapatid mo ang gagawa!"
"P-po? Si Chona ho? Tay nasisiraan na po ba kayo ng bait? Kaka desi-otso palang ho ni Chona nung nakaraang buwan. Masyado pa ho siyang bata!"
"Ate para mo ng awa, ayuko! Ate tulungan mo ako." Takot ang tinig at umiiyak na saad sa akin ni Chona na noon ay kapit na kapit sa laylayan ng damit ko.
"Tay paano niyo nagagawa to sa mga anak niyo!"
"Ayuko na ng maraming drama Sabina. Kung hindi mo gagawin, umalis ka na at ng makapaghanda na itong kapatid mo. Paparating na ang susundo sa kanya."
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...