CHAPTER 85

1.7K 23 1
                                    

Payapang naglalakad nun sa hardin ang hari at si Imperial Noble Consort Ling nang bigla na namang makaramdam ng pagkahilo si Imperial Noble Consort Ling.

Mabuti na lamang at nakahawak siya sa braso ng hari kaya naagapan siya nito agad mula sa pagkatisod.

"Imperial Ling, A-anong nangyari...anong nararamdaman mo?" Aligagang saad ng hari dahil sa labis na pag-aalala.

"E-wan ko, basta b-bigla na naman akong nahilo..." Hawak hawak naman ang noong tugon niya.

"You should sit first." Marahan lamang na saad ng hari bago siya inalalayang pumasok sa gazebo at doon maupo.

"Imperial Ling, napapadalas na yang pagkahilo mo. Minsan nagsusuka ka rin. D-don't you think--" saad ng hari bago siya titigan sa mga mata kaya naman gets na niya.

"D-do you think I'm-- I'm OMG, Kamahalan hindi kaya buntis na ako?!" She exclaimed excitedly kasabay nun ang pagyakap sa kanya ng hari ng mahigpit at masayang masaya rin.

"OMG, I can't believe this! Magiging totoong ina na ako, your majesty!" Masaya niyang muling saad while tearing up dahil sa saya.

"Magiging ama na din ako ng sarili nating anak! I've been waiting for this day mahal ko..." Abot langit ang ngiting sambit naman ng hari nung bigla siyang matigilan dahil nag-iba ang rehistro ng mukha niya.

"Ah- awww... K-Kamahalan, a-ang tiyan ko..."

"Imperial Ling, anong nangyayari? Alin ang masakit, anong nangyayari?!" Muling pag-aalalang saad ng hari na agad napalitan ng matinding pag-aalala ang kanyang kaligayahan kanikanina lamang.

"K-Kamahalan hindi ko rin alam. B-bigla nalang sumakit ang ulo at tiyan ko..." Hirap naman niyang sambit kaya naman nag-utos na ang hari na tawagin si Physician Chakru upang malaman ang totoong kalagayan niya lalo na noong bigla na lamang siyang himatayin.

...few hours ago...

Noong magising si Imperial Noble Consort Ling ay si Physician Chakru ang namulatan niya at abala ito sa mga gamot na noo'y nasa lamesa sa tabi ng kanyang kama.

"P-Physician Chakru..." Mahina niyang sambit.

"Oh mahal na Imperial Noble Consort mabuti naman po at gising na kayo. Kumusta na po ang pakiramdam ninyo?"

"Ah ummm m-medyo maayos na. A-ang mahal na hari?" Mahina niya paring saad.

"Ah kaninang tulog ka pa ay nagtungo muna siya sa kanyang palasyo upang pulungin ang kanyang mga opisyales tungkol sa isang mahalagang bagay. Marahil ay pabalik na rin siya."

"G-ganun ba. K-Kung ganun anong resulta ng eksaminasyong ginawa niyo, ano ang totoo kong kalagayan?" May pagkabahala sa tinig niyang saad at tumindi iyun ng makita niya ang hindi magandang reaksyon ni Physician Chakru.

"Ah mahal na Imperial Noble Consort, mas mabuti ay hintayin na muna natin ang mahal na har--"

"Physician Chakru sige na, nakikiusap ako sayo, gusto kong marinig muna ang resulta bago natin ito sabihin sa mahal na hari." Pakiusap niyang saad kaya naman napatango na lamang ito.

"Imperial Noble Consort Ling a-ang totoo po niyan ay inakala ko ring nagdadalang tao kayo noong una kong basahin ang iyung pulso ngunit--"

"N-ngunit ano..." Mahina niyang sambit na nagsisimula ng makaramdam ng matinding lungkot at pagkabahala.

"Imperial Noble Consort Ling... Patawarin niyo po ako sa aking sasabihin ngunit hindi kayo nagdadalang tao at s-sa halip ay meron kayong problema sa matris. Ang nararamdaman niyong pagkahilo at pagsusuka na siyang kaparehas ng sintomas ng nagdadalang tao ay sanhi ng isang uri ng bukol sa inyong sinapupunan na siyang dahilan kung bakit h-hindi kayo maaring magdalang tao."  Maingat at marahang paliwanag ni Physician Chakru.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon