The next day, the King had returned to his palace kung saan naghihintay si Noble Consort Xiao na noo’y nasa bulwagan ng hari.
“Magandang umaga, mahal kong hari...”
“Magandang umaga rin sayo Noble Consort Xiao, ano’t naparito ka?” Tugon naman ng hari na dinaanan lamang si Noble Consort Xiao at naupo na sa kanyang trono.
“Mahal na hari, narito ako dahil mayroon akong magandang balita para sa iyo.”
“Magandang balita? At ano naman iyun? Mukhang masayang masaya ka?” Usisa namang tugon muli ng hari nang lumapit sa kanya si Noble Consort Xiao.
“Mahal na hari, alam kong dismayado ka ng kaunti dahil prinsesa ang ipinagbubuntis ng mahal na reyna ngunit hindi mo na kailangang malungkot dahil mayroon ka nang panganay na Prinsipe at magmumula iyun sa akin.” Malambing at anakngiting saad ng Consort kaya naman natigilan saglit ang hari bago tumitig sa kanya.
“N-nagdadalang tao ka?”
“Siyang tunay mahal na hari at ang sabi ng aking manggagamot ay isa itong prinsipe dahil sa posisyon nito.” Masaya niyang muling tugon.
Natuwa ang hari sa nabalitaan niyang iyun kaya naman nayakap niya ang Consort.“Masaya ako kung ganun. Nasasabik na akong makita ang aking panganay na Prinsipe.” Nakangiti muli nitong saad bago muling naupo. Umupo lamang din ang Consort sa harapan niya.
“Aalagaan ko ng mabuti ang ating magiging anak at ang aking sarili kamahalan, pangako iyan.” Saad pa ng Consort habang hinahaplos ang kanyang tiyan.
Ilang sandali pa ang nakakaraan nung matigil ang masaya nilang pag-uusap dahil sa pagdating ni Ginoong Khut.“Mahal na hari, patawad po sa abala.”
“Ginoong Khut, ano iyun?”
“Mahal na hari, nagbalik nap o ang Vice-Premier at may ulat ito mula sa digmaan.”
“V-Vice Premier?!” Magkahalo ang kaba at saya sa tinig ng hari dahil sa narinig na pangalan kaya naman pinauwi na niya si Noble Consort Xiao agad agad.
Matapos umalis ni Noble Consort Xiao ay agad ng pinapasok ng hari ang Vice-Premier.“Mahal na hari, magandang araw.” Pagbati nitong saad kasabay ng pagyukod. Hindi maipaliwanag ang emosyon ng hari at nakatayo lamang ito.
“Mahal na hari, hayaan niyo po akong mag-ulat. Isa po ako sa mga sumunod kay Prinsipe Ri nung habulin niya ang Bouluan Clan at matagumapay po kaming nakabalik kahapon lamang po.”
“Ang at ang Prinsipe Ri?” kabadong agad na saad ng hari.
“Buhay po siya kamahalan. Kinailangan lamang po siyang gamutin dahil sa mga sugat na kanyang natamo sa kampo kasama ang Punong ministro ng Grand empire ngunit bukas na bukas din ay paparito na sila.” Halos lumundag sa tuwa ang hari kasabay ng pagliwanag ng kanyang mukha dahil sa napakagandang balita na kanyang narinig.
“Kung gayon ay magdiriwang tayo sa inyong matagumpay na pagbabalik. Magpapahanda ako ng piging para bukas. Mayroon kayong matatanggap na gantimpala dahil sa inyong matagumpay na misyon.”
“Maraming salamat kamahalan.”
“Kung gayun maari ka nang lumisan at magpahinga.”
“Masusunod kamahalan.” Pagkasabi nun ay umalis na ang Vice-Premier.
Pagsapit ng sumunod na araw ay nagtipon-tipon ang mga tao sa palasyo ng hari para sa piging na ipinahanda nito para sa matagumpay na pagbabalik ng Prinsipe Ri.
Sa bulwagan niya ang dumating na nga ang mahal na Prinsipe Ri. Hindi pa man nakakaluhod para bumati ay sinalubong na niya ang kapatid para yakapin. Halos mangiyak-ngiyak siya nang dahil sa tuwa dahil nga buhay ang Prinsipe.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...