CHAPTER 14

1.8K 30 0
                                    

Pagbaba ko pa lamang ng kotseng sinakyan ko ay nakatuon na ang mga mata ko sa mansion na kaharap ko ngayun. I'm wearing all white over all with sunglasses on kaya naman hindi ako nakilala ng mga kapatid ko na pasilip-silip lang mula sa loob ng gate. Umingay lamang sila at naghihihiyaw noong kumaway ako sa kanila habang nag-uunahan sa paglapit sa gate para buksan ito.

"ATE!!!"
Masigla at malakas na salubong nila sa  akin pagkabukas pa lamang nila ng gate. Sunod sunod nila akong niyakap with a smile one their faces habang si Chona ay umiiyak.

"Ate, thank you!!!" Bulalas niya. I knew what was it for.

"Chona, it's okay. Ginawa ko lang ang tama. Huwag mong isiping kasalanan mo kung bakit ako nagpakasal sa taong diko kilala. Panganay ako, dapat lamang na ako ang sumalo sa inyo kaya huwag mong isiping kasalanan mo okay?" Mahinahon kong saad sa kanya bago ko siya niyakap muli.

"Opo ate. Salamat po sa lahat ng ginagawa niyo para sa pamilya natin. Salamat po, kung anu man ang rangya at gaan ng buhay na meron kami ngayun ay dahil lahat yun sa inyo."

"Hmm Chona, makinig ka sa akin...gagawin ng ate lahat para sa inyo kahit-- kahit kapalit pa yun ng pan-sarili kong kaligayahan." Malamlam ang mga matang saad ko.

"Ate..." Bulalas niya lamang bago niya ako niyakap muli ng mahigpit. "Naghiwalay po tuloy kayo ni Kuya Marro nang dahil sa amin." Malungkot niyang saad.

Natigilan ako ng bahagya dahil doon at tila may kirot na sumilay sa aking dibdib. "Hmm C-Chona-- k-kumusta pala ang kuya Marro niyo. Na-nakikita niyo parin ba siya?"

"Naku ate lagi po. Eh araw araw naman po siyang nagpupunta dito sa bahay pag-uwi niya. Pinipilit po niya kami nila tatay na ibigay sa kanya yung bago niyong contact number. Eh hindi ka naman daw niya makausap sa tuwing sumusubok siyang puntahan ka kasi napapalibutan ng guards yung mansion kong saan ka nakatira. Lagi nga pong lasing ate eh kaya naaawa na ako." Kwento niya.

Tahimik lamang ako sa sinabi niya nung magsalita siyang muli. "Hmm eh ate, sya nga po pala, kumusta naman po yung Mr. Flaumel na yun, okay ba siya? Mabuti naman po ba ang pakikitungo niya sa inyo?" May bakas na pag-aalala sa tinig niyang tanong.

Bumuntong hininga muna ako. "Chona, m-maayos kami. Huwag kang mag-alala. Huwag na nating pag-usapan itong mga ito okay, teka si Tatay pala?"

"Hmm naku yun na nga ate eh, masaya naman po kaming nag-bobonding kanina kasu nung ipinaalam niyo po sa amin na darating ka biglang nag-iba ang rehistro ng mukha niya, ayun nasa sala po. Nakakinis nga eh parang di masaya na sa wakas nakadalaw ka sa amin." Mahaba niyang saad na tila nagtatampo.

Ngumiti lamang ako. "Chona, okay lang yun. Wala namang bago." May bahid na lungkot sa tinig na saad ko.

"Tara na sa loob."

.....

Pagpasok ko pa lamang sa bahay ay inikot ko ng tingin ang kabuuan ng bahay. It was big and wonderful.

Nung malingunan ko si Tatay na noon ay nakaupo lamang sa sofa habang nakatitig sa akin ay naglakad na ako papalapit. I even took off my sunglasses.

Yayakapin ko na sana siya nung bahagya siyang umilag pagyuko ko kaya tumayo na ako.

"Anung ginagawa mo dito? Huwag mong sabihing tumakas ka kay Mr. Flaumel? Ang sabi niya sa akin noon, sa oras na ipinakasal kita sa kanya ay hindi ka na makakabalik pa dito. Ano't nandito ka?!"Mahaba niyang saad sa nanlilisik na mga mata.

Hindi na ako nagulat sa inasal niyang iyun kaya naman sumagot na ako.

"Opo Tay, tama po kayo. Nilayasan ko siya!"

"Ano?! Nababaliw ka na ba? Paano kami ngayun? Paano yung negosyo kapag binawi niyang lahat ng iyun?!" Malakas niyang bulalas na napatayo pa kaya naman napangisi ako.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon