***king and ling, visitation of ling to Consort Lhan, the queen's visitation to Consort Lawana, Ling's help for Lawana
Kinabukasan ay tanghali na ng magising si Imperial Noble Consort Ling at wala na rin ang hari sa tabi niya. Marahil ay umalis na ito madaling araw pa lamang.
Paglabas na paglabas niya pa lamang ng kanyang silid ay naroon na si Pim upang abutan siya ng inumin.
"Siya nga po pala mahal na Imperial Noble Consort, handa na po ang inyong panligo. Kailangan niyo pong magmadali sapagkat kanina pa po kayo ipinatawag ng mahal na hari upang saluhan siya sa almusal sa hardin." Malumanay na saad ni Pim.
"Kanina pa? Bakit hindi mo ako ginising?" Mahinahon naman niyang tugon.
"Patawad po mahal na Imperial Noble Consort. Tulog na tulog pa po kasi kayo at mukhang pagod na pagod at puyat pa dahil nga po narito ang mahal na hari kagab--" Pilya pang saad nito ngunit pinutol na siya ni Imperial Noble Consort Ling na hindi komportable sa minumungkahi niya.
"T-tama na yan Pim. S-sige na, maliligo na ako." Asiwa niyang saad bago dali-daling tinungo ang silid-liguan niya. Ngumiti na lamang nun si Pim bago sumunod sa amo upang tulungan itong maligo.
....
Pagkarating nila ng hardin ni Pim ay natanaw niya agad ang kinaroroonan ng hari.
Nasa loob ito ng traditional gazebo at nakaupo na kaharap ang isang lamesang puno ng pagkain para sa almusal. Sa likod nito ay naroon si Ginoong Khut at ang ilan sa kanyang mga emperial guards.
Napatigil siya saglit dahil doon sapagkat may naalala siya. Naalala niya ang unang pagsasalo nila ng hari sa gazebo ding iyun. Napangiti dahil doon bago bumuntong hininga at magpatuloy sa paglalakad.
"Mahal na hari, magandang umaga. Paumanhin kong natagalan ako." Mahinahon at malambing niyang saad matapos yumukod.
Ngumiti lamang nun ng matamis ang hari.
"Naiintindihan ko. Sige na, maupo ka na at saluhan ako bago pa tuluyang lumamig ang mga pagkaing ipinaluto ko para sa iy--"
"Para sa akin? Wow salamat, ngunit hindi kana dapat pang nag-abala, masyado itong marami." Pilya niyang saad.
"Sinabi ko sa kanilang kunti lamang ang lutuin dahil ikaw lamang naman ang kakain ngunit dinamihan patin nila. Hay, hindi na din sila nakikinig sa akin."
"Naku... Ang sabihin mo, sinabihan mo silang magluto ng marami kasi kasabay mo akong kumain." Pilya niyang muling saad bago sumubo.
Napangiti lamang nun si Ginoong Khut dahil tama naman si Imperial Noble Consort Ling. Siniko naman ito ng punong emperial guard na katabi niya dahil alam din nito ang tungkol doon.
Hindi na nakapagsalita pa ang hari kaya naman napangiti na lamang bago sumubo.
"Ah siya nga pala Kamahalan, narinig kong narito na rin sa inner-palace si Consort Lhan at nananatili ngayun sa kanang-pakpak ng iyung palasyo." Walang ano-ano'y tanong niya nang matigilan ang hari sa pag-nguya.
"Siyang tunay. Malubha ang kanyang kalagayan at iisa lamang ang manggagamot sa Green Valley Palace kaya naman minabuti ko nang iuwi siya dito aa inner-palace upang tumanggap ng naratapat panggagamot."
"Uhmm, tama nga ang mga sabi sabi na malubha ang kanyang lagay. Nais ko nga pala siyang dalawin mamaya-maya lamang kung iyun ay kung wala kang ipapagawa sa akin o anu mang iuutos." She said respectfully bago ngumiti nang tumango ang hari.
"Oo naman. Mainam kong dadalawin siya ng Imperial Noble Consort ng kanyang hari lalo na't kani-kanina lamang ay nagtungo roon ang aking reyna upang dumalaw."
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...