CHAPTER 62

765 10 0
                                    

(kaganapan sa inner-palace)

Umagang umaga palang ay nagpupuyos na sa galit at inis si Madam Khao pagkaalis na pagkaalis pa lamang ng utusan niyang kawal na nagpabatid sa kanya ng balitang magkasama ngayun sina Imperial Noble Consort Ling at ang kanyang asawa sa probinsya ng Shaondong.

"Sinasabi ko na nga ba, kikitain niya ang babaeng iyan! Nakakainis! Bakit niya pa kailangang magpunta sa Shaondong Province?! Napakawalang hiya niya!!! AAARGHHHH!!!" Galit na galit niyang bulalas habang nagwawala sa kanyang silid.

"Madam Khao, huminahon po kayo baka po mapano yang ipinagbubuntis niyo." Pigil naman sa kanya ng alalay niyang si Ting.

"Hindi! Paano ako kakalma? Ni hindi ko nga alam kung ano na ang ginagawa ng Imperial Noble Consort na iyun sa asawa ko! Hindi ito maari, kailangan kong gumawa ng paraan upang matigil ang kawalang hiyaan nilang ito ngayun din!"

"K-kung ganun, ano po ang inyong binabalak na gawin Madam Khao?"

"Ang mahal na hari, hindi ba't dumating na siya dito sa inner-palace kagabi?" Bigla niyang saad.

"O-opo Madam Khao."

"Kung gayun ay magaling dahil may maganda akong pasalubong sa kanya!"

"Madam Khao, ano pong ibig niyong sabihin?"

"Kung wala akong magagawa para itigil ang kawalang hiyaan ng aking asawa at ng malanding Imperial Noble Consort na yan, pwes siya meron."

"Kung gayun ay sasabihin niyo po sa mahal na hari ang tungkol dito?"

"Oo kaya magmadali ka at bihisan ako. Pupunta tayo ngayun din sa mahal na hari."


***
Nasa kalagitnaan ng malawak na kapatagan nun sina Imperial Noble Consort Ling at ang mga palace guards noong bigla silang matigil.

"Punong kawal, anong nangyayari at bakit tayo tumigil? Malayo layo pa ang pupuntahan natin." Usisa niyang saad habang nakasilip sa kwadradong bintana ng karwaheng kinaroroonan niya.

"Patawad po mahal na Imperial Noble Consort, ngunit nagkaproblema po ang karwaheng sinasakyan niyo."

"Ano? Bakit, anong nangyari?"

"Nasira po ang gulong nito, ngunit malayo na po tayo sa kabihasnan."

"Ganun ba, ngunit magtatanghali na, hindi tayo maaring mahuli sa ating pupuntahan dahil marami pa tayong gagawin."

"Patawad po talaga mahal na Imperial Noble Consort. Ngunit huwag ho kayong mag-alala, umalis na po ang ilan sa ating mga kawal para kumuha ng isa pang karwahe."

"Ngunit matatagalan pa bago sila makabalik dito. Paano na yan. Paano kaya kung sumakay na lamang ako ng kabayo." Walang ano ano'y saad niya dahilan para matigilan ang lahat.

"Ano po yun mahal na Imperial Noble Consort, sasakay po kayo ng kabayo, kung ganun ay marunong po kayo?" Usisang saad nung punong kawal.

"Naku hindi, hindi ako marunong."

"Kung ganun ay makikisakay po kayo?"

"Oh bakit, pwedi naman iyun hindi ba?"

"Mahal na Imperial Noble Consort, hindi niyo po maaring gawin iyan. Nakasaad po sa batas ng emperyo na bawal makisakay ang isang asawa ng mahal na hari sa iisang sasakyan kasama ang kawal o sino pa mang lalaki liban na lamang kung isa din itong maharlika." Agad namang saad nung isang babaeng lingkod niya kaya naman nasapo niya ang kanyang noo.

"Hays, oo nga pala. So ano na lamang ang gagawin k--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang mapako ang atensyon nila sa di kalayuan dahil sa ingay ng paparating na mga kabayo.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon