BC79“Mahal na reyna anu na po ang binabalak niyong gawin ngayun kay Imperial Noble Consort Ling?”
Usisang tanong ni Rin sa reyna nung mapansin nito ang pagkaligalig ng reyna lalo na’t ilang araw nang si Imperial Noble Consort Ling lamang ang laging kasama ng hari.“Mahal na reyna, binabalak niyo rin po bang gawin sa kanya ang mga ginawa ninyo kila Consort Xiao, Lhan, at Lawana?” Muli na naman nitong tanong dahilan para ngumisi ang reyna.
“Oo, siyang tunay ngunit hindi ako ang gagawa nun.”
“Kung ganun ay sino po ang gagawa nun para sa inyo?”
“Baka nakakalimutan mo, bukod sa akin ay may isa pang tao dito sa inner-palace na sukdulan ang galit kay Imperial Noble Consort Ling... kaya bakit ko naman yuyurakan ang sarili kong mga kamay kung may iba pa naman akong kamay na magagamit.” She said evelishly* as she let out a slight smirked on her red lips.
“S-si Madam Khao po ba ang tinutukoy niyo?”
“Bakit may iba pa ba?” Sarkastiko naman nitong tugon bago maupo sa kanyang trono.
“Kung ganun ay paano niyo po isasagawa ang plano ninyo?”
“Simple lamang. Sa susunod na lingo na ang ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ni Consort Lhan. Tulad ng nakagawian ay dadalawin natin ang kanyang puntod sa burol ng Green Valley Palace.”
“K-kung ganun ay doon niyo po isasagawa ang inyong plano?”
“Doon isasagawa ni Madam Khao, hindi ako.” Pagtatama nito bago ngumisi.
“Ngunit paano niya po magagawa iyun kung naroon ang mahal na hari. Isa pa po ay naroon din po tayo, kapag may nangyaring hindi maganda kay Imperial Noble Consort Ling ay tiyak na kasama tayo sa pagsusutpetsahan ng mahal na hari.” Pag-aalalang mungkahi ni Rin ngunit tumawa lamang ang reyna bago muling magseryoso.
“Wala ka talagang alam Rin. Akala mo ba hindi ko napagplanuhan ang lahat ng iyan?”
“Kung ganun ay ano ho ang gagawin niyo?”
“Sa susunod na lingo, aalis ang mahal na hari papuntang Northern Empire dahil nais ng aking amang hari na makapulong siya’t dumalo sa isang mahalagang pagpupulong kasama ang iba pang mga hari ng iba’t-ibang kaharian. Ang ibig sabihin, mawawala siya dito sa emperyo ng tatlong araw kaya naman kami nina Imperial Noble Consort Ling at Madam Khao lamang ang dadalaw sa puntod ni Consort Lhan pero syempre, sa araw na iyun ay iaanunsyo mo sa buong inner-palace ang pagkakaroon ko ng sakit dahilan para hindi ako makapunta sa burol.”
“Nang sa gayun ay si Imperial Noble Consort Ling at Madam Khao lamang po ang magtagpo sa burol at kung may mangyaring hindi maganda kay Imperial Noble Consort Ling ay si Madame Khao ang madidiin tama po ba?”pagtutuloy naman ni Rin.
“Nakuha mo! Magaling...” Nakangisi lamang na saad ng reyna bago humigop ng kanyang tsaa.
“K-kung ganun ay kelan niyo po kakausapin si Madam Khao tungkol dito?”
“Kakausapin? Para saan? Hindi ka ba nag-iisip, sa tingin mo ba papayag siyang gawin ko siyang pain? Syempre hindi!”
“A-ano pong ibig niyong sabihin kung ganun? Paano niyo po isasagawa ang plano ninyo?”
“Gagawin natin siyang pain ng hindi niya nalalaman. Magpapadala ako ng tao para isagawa ang plano ko kay Imperial Noble Consort Ling habang sila ay nasa burol upang isipin ng lahat na si Madam Khao ang gumawa nun lalo na’t siya lamang ang kasama nito doon lalo na’t alam ng lahat kung gaano nito kinamumuhian si Imperial Noble Consort Ling." Mahabang paliwanag ng reyna.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
De TodoSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...