Paggising ko kinabukasan ay wala na si Argus, well of course alam kong madaling araw pa lamang ay umalis na siya.
Dating gawi, just like the palace rule, naligo na ako and had Pim dolled me up. King’s wives or even any noble lady in the palace must be well groomed, fine, and elegant all the time. We must be constantly on our gowns, wearing accessories with our hairs well made. We can only rest from all of these during bed time.
As usual, green is my color with touch of gold for my status as second to the queen and so all my dresses and accessories are all green of any shades and gold.
Matapos akong mag-ayos ng sarili ay pinuntahan ko na si Pim kung saan pinapaayos niya sa mga tagapaglingkod na mga babae ang mga inihandog ng hari. Maya maya pa ay nagulat ako nang lumapit sa akin ang emperial guard na mula sa palasyo ng hari.
He get down on his knees first to greet me bago niya ako kinausap.
“Emperial Consort Ling, ipinatatawag po kayo ng mahal na Hari.” Magalang niyang wika.
“Ano raw at ako'y kanyang ipinatatawag?”seryoso ko lamang na tanong.
“Ipagpaumanhin niyo po emperial consort Ling ngunit nasabi ko na po ang nais iparating ng mahal na Hari.” Saad niya lamang kaya naman nagkibit balikat lamang ako bago humalukipkip.
“Kung ganun ay sabihin mong hindi ako makakapunta.” Sungit-sungitan kong saad kaya naman nanlaki ang mata niya habang si Pim naman ay napalapit sa akin.
“Emperial Consort Ling, a-ano hong ginagawa niyo?” Alala niyang saad.
“Ano pang hinihintay mo, magbalik kana sa kanya at sabihing hindi ako makakapunta.” Usal ko pa.
“Ah—p-pero—“
“Hindi ko na uulitin pa ang aking sarili.” Putol ko pa sa kanya at tumalikod na ako. “Emperial Consort Ling, a-ano pong ginagawa ninyo? Hindi na po ba ninyo mahal ang buhay niyo kasi sa akin nalang kung ganun.” Alala niyang muling saad but I just hushed her at nangialam na sa mga ginagawa ng aking mga tagapaglingkod.
I was holding and critiquing a beautiful painting noong may dumating muli.
“Emperial Consort Ling, may isa na naman pong palace guard na galing sa palasyo ng hari.”
Nababahala ang tinig na wika sa akin ni Pim nung lingunin ko yung dumating.
“Emperial Consort Ling, nais po kayong makita ng hari ngayun din sa hardin ng Mainland Palace.” Saad nito.
“At ano raw ang nais niya?” Malamig ko lamang na tugon.
“Patawad kamahalan ngunit ito lamang ho ang mensaheng nais ipahatid ng mahal na Hari.”
“Kung ganun ay hind—“
“Hindi anu?” Ito ang sarkastikong putol ng tinig na ikinagulat ko mula sa labas.
“M-mahal na Hari, a-ano ho’t naparito kayo?” Gulat ko lamang na saad bago yumukod bilang paggalang sa kanya nung bigla niya akong hawakan sa kamay at hilain patungo sa kung saan.
“T-Teka, your Majesty, saan niyo po ba ako dadalhin?” Magalang kong saad dahil maraming mga palace guards at alalay siyang kasama habang si Pim ay nakasunod lamang mula sa di kalayuan.
“Nagugutom ako, gusto kong saluhan mo ako sa pagkain.” Maya-maya pa ay saad niya noong makapasok na kami sa tarangkahan ng hardin.
“Pero bakit ako, pwede namang iyung reyna na lama—“ Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung marealize kong napakarami nga palang tao sa palaigid namin and I’m being informal and disrespectful to the King. I even lost my composure kaya naman agad kong inayos ang aking tindig, pananalita at pagkilos.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
De TodoSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...