CHAPTER 24

1.4K 28 0
                                    

“Naku Lady Ling, at talagang bagay na bagay ho sa inyo itong kasuutang handog sa inyo ng mahal na hari. Gawa sa mga mamahaling materyales at kamangha-manghang mga gintong burda at mga palamuti. Ngayung naka-suot na po kayo ng kasuutang para sa isang emperial noble consort, mas maganda na po kayo sa reyna Kirah.” Pagdadaldal ni Pim habang isinusuot sa akin ang damit na isa sa mga regalong nagmula kay Argus na dinala ditosa greenhill kagabi.

I was just staring at myself from the gigantic mirror in front of me and I can’t explain what I feel. I’m so happy to see myself in a glamorous fine clothing but at the same time shocked because it feels like I am looking at someone else: a rebirth of myself.

“Lady Ling, naayos na ko na po ang damit ninyo, maari na po kayong maupo para maayusan ko na po kayo at ang inyong buhok.” Nakangiti niyang saad bago niya ako iginaya sa upuan sa harap ng aking dresser.

“Naku sigurado po akong walang kahit na sino man sa pagdiriwang mamaya ang hindi makakapansin at mapapatitig sa inyo kahit pa ang reyna Kirah. Napakaganda po niyo po at bumagay sa inyo ang iyong kasuutan. Maganda po itong maging unang impresyon ng mga tao dito sa palasyo sa inyo bilang emperial noble consort.” Nakangiti at excited pang saad ni Pim habang inaayos ang aking  buhok.

One of Argus’s gifts to me are accessories. The others are paintings, artifacts and books that I have to read. And of course, one of the best is the dress that I am wearing right now for my installation as the emperial noble consort.

“Pim...” Maya maya pa ay saad ko bago ako nag-angat ng mukha para tingnan siya mula sa salamin.

“Lady Ling, narito po ako.” Agad niya namang tugon.

“W-well I be okay? Ah- ang ibig kong sabihin, s-sa tingin mo ba magiging maayos ang lahat kapag emperial noble consort na ako?” Seryoso kong saad.

“Oo naman Lady Ling. Ang totoo nga po niyan, mas magiging maayos ang lahat kapag emperial consort kana kasi malaya ka nang makakagalaw dito sa palasyo, maari na po kayong makasama ng hari anu mang oras at kahit na saan pa anu mang naiisin niya.” Nakangiti niyang tugon.

“Y-yun na nga ang inaalala ko Pim.” May pagkabahala sa tinig na saad ko kaya napakunot noo siya.

“Ano ho ang ibig niyong sabihin?”

“ N-naaalala mo ba ang sinabi ng mahal na reyna noong magkausap kami sa hardin noong nakaraan? Ang sabi niya, wala siyang magiging problema sa ibang asawa ng hari hanggat nasa kanya ang atensyon at pagmamahal ng hari. Pagkatapos ng pagkakatalaga ko ngayung araw, mas magiging malaya na yung hari na ipatawag o makasama ako kahit kailan niya gusto. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin Pim?” Malumanay at seryoso kong saad.

“Lady Ling, iniisip niyo po ba na kapag inilaan ng hari ang kanyang atensyon at oras sa inyo ay hindi magiging maganda ang relasyon ninyo ng mahal na reyna dahil maaaring mag-nibugho siya o mainggit sa inyo?”

“Hindi ako nababahala na baka magalit siya, ang iniisip ko lamang ay ang pighating mararamdaman niya kapag nakitang ang pinakmamahal niyang hari ay hindi maibibigay sa kanya ang kanyang nais.”

“Ngunit Lady Ling, sa palasyong ito, ang mapansin at mabigyan ng atensyon ng hari ay karapatan niyo rin po bilang emperial consort. Wala ho kayong magiging kasalanan sa mahal na reyna kapag nagkataon.”

“Ayuko lang naman sana na mag-karoon pa ako ng kaaway dito sa loob ng palasyo lalong lalo na ang reyna tulad ng mga napapanood ko sa aking pinanggalingan bansa. Hindi nakakatuwang kaaway ang isang taong mas mataas kesa sayo. Lalo na ‘t hindi naman ako sanay sa buhay na ganito. Walang sabunutan o sapakang magaganap.” Saad ko dahilan para kumunot ang noo niya.

“P-po? Ano ho ang inyong sinasabi Lady Ling?” Lito niyang saad kaya naman ginawaran ko lamang siya ng pag-ngiti.

“Wala iyun. Isa iyung paraan ng pakikipag-agawan sa aking bansa sa ngalan ng pag-ibig.” Pilya ko pang saad ngunit nakatitig parin siya sa akin.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon