CHAPTER 39

1K 23 0
                                    

“Mahal na Imperial Consort ano’t hindi ka pa gumagayak para magtungo sa palasyo ng hari bago pa man tuluyang magdilim ang buong paligid.  Hindi ka ba natutuwa na nagpunta roon ang reyna para samahan ang hari ngunit ikaw ang kanyang ipinapatawag. Yiehh…” Sunod-sunod na saad ni Pim bago tumawa ng sutil sabay dutdot sa aking tagiliran kaya napan napaigtad ako.

“Woyy Pim ano ba, anung ginawa mo?” Pigil tawa ko namang saad na pinipilit magseryoso ngunit ngiting-ngiti siya kaya naman diko magawa.

“eh anu ho bang problema at tila ayaw niyong puntahan ang mahal na hari?”

“Pim, tulad nga ng iyung sinabi nagpunta roon ang reyna para samahan ang hari bakit niya ako ipapatawag roon kung naroon naman ang reyna hindi ba?” Mahinahong kong wika ngunit nagulat ako dahil basta na lamang siyang tumawa ng pilya.

“Naku alam ko na, baka pinalayas ng hari.” Walang preno niyang saad kaya naman sinaway ko siyang muli.

“A-ay pasensya na po, nabigla lang.” bait-baitang saad niya kaya naman napangiti na ako. “Hay Pim talaga, napakainit ng dugo mo sa reyna at kay Consort Xiao…” nailing iling kong sambiy habang nakangisi.

“Kung ganun ay halikana po at nang maayusan na kita at mabihisan ng maganda at kaakit-akit para naman tuloy na tuloy ang pag—“ Pim!” asiwa kong saway sa nais niyang sabihin kaya naman ngumiti na lamang siya ng pilya.

Pagbaba na pagbaba ko pa lamang ng sedan na sinakyan ko sa labas ng tarangkahan ng hari ay natigilan ako nang lumabas mula sa gate ang mahal na reyna. Her face was so grim and melancholic ngunit pinilit niyang magpanggap na okay ng makita niya ako. Natigilan din siya ng bahagya kaya naman ako na ang lumapit sa kanya. Yumukod muna ako para batiin siya bago ako magsalita.

“Mahal na reyna, naririto parin po pala kayo. Hindi ko alam patawad.” Mahinahon kong saad nang ngumiti siya sa akin.

“Imperial Noble Consort Ling, ikaw ang nais makasama ng hari at hindi ako. Bakit mo kailangang humingi ng tawad? Isa pa, halos buong araw na kaming magkasama, sapat na iyun para sa akin. Ikaw naman ngayun, naiintindihan kong hindi dahil ako ang reyna ay sa akin lahat ng pagkakataon. Batid kong nais naman kayong bigyan ng mahal na hari ng kahit kunting pagkakataon lamang na makasama siya kaya sige na pumasok kana sa loob.” Kalmado niyang saad bago ngumiti ng tipid at tuluyan ng umalis.

Agad naman akong siniko ng bahagya ni Pim sa tagiliran nang makaalis na ang reyna.

“Mahal na Imperial Consort, ibig sabihin po ba nung sinabi ng reyna ay hindi niya parin alam na laging sa iyo umuuwi ang mahal na hari kahit noong hindi ka pa Imperial Consort?” usisa niyang saad bago niya ako inalalayang maglakad. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

“Ganun na nga Pim. Hanggang ngayun, ang alam niya ay pareho lamang kami ni Consort Xiao ng kapalaran na hindi halos makasama ang hari.” Tugon ko naman na walang emosyon ang mukha.

“Naku paniguradong magiging katulad siya ni Consort Xiao  kalaunan kapag nalaman niya na ilang milya na ang lamang mo sa kany—“ Sutil niya pang saad but I cut her off.

“Pim tama na yan, magpatuloy na lamang tayo sa paglalakad at baka naghihintay na ang hari.”

“Tama, tama! Pasensya na po.” Saad niyang muli bago ngumiti.

Pagtapak na pagtapak ko pa lamang sa bulwagan ng hari ay isang sutil na ngiti na ang ibinungad sa akin ni Ginoong Khut.

“Imperial Noble Consort Ling, mabuti naman at pumarito ka. Mainit ho ang ulo ng mahal na hari ngayun.” halos pabulong na niyang saad sa akin.

“hah mainit? Bakit naman…” lito kong usisa.

“Tungkol po sa politika mahal na Imperial Consort ngunit tiyak akong kapag nakita niya kayo ay gagaan ang kanyang pakiramdam.”

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon