Nasa hardin nun si Noble Consort Xiao at naglalakad-lakad nung maulinigan niya ang reyna na noon ay nasa likod na pala niya.
"Mahal na reyna... Isang pagbati sa inyo." Ito ang agad niyang saad sa reyna bago yumukod para gumalang.
"Consort Xiao, naririto ka rin pala. Kung sabagay isa ka na muling regular na konsorte ngayun kaya malaya ka nang lumabas sa iyong palasyo."
"Siyang tunay mahal na reyna. Matagal tagal din akong hindi lumabas ng aking palasyo ngunit ngayun maari nang muli kaya naman ay maari na akong maglakad lakad dito sa hardin tulad ng madalas kong gawin."
"Maligaya ako kong ganun."
"Ikinalulugod ko mahal na reyna. Siya nga pala, binabati ko rin kayo."
"Para saan?"
"Malaya na rin po kayo ngayun."
"Ah, siyang tunay. Ilang buwan na rin simula noong maipanganak ko ang prinsesa kaya naman ay maari na akong lumabas ng aking palasyo kahit na abala din ako sa pag-aalaga ng aking anak. Kung hindi lamang sana namatay ang iyung anak ay meron ka na rin sanang anak na aalagaan." Patutyada pa ng reyna kaya naman nag-iba ang rehistro ng mukha niya ngunit agad din siyang bumawi at ngumiti.
"Tama ka. Kung hindi lamang sana nangyari ang aksidente ay isang buwan na lamang at isisilang ko na ang panganay na prinsipe ng emperyo." Mariin naman niyang saad dahilan para mapalunok ang reyna.
"Siguro'y hindi ang nasirang Prinsipe ang nakatakdang maging panganay na Prinsipe ng emperyo kaya ito kinuha ng mga diyos dahil mayroong mas karapat dapat."
"Anong ibig niyong ipahiwatig mahal na reyna. Sinasabi niyo po bang hindi karapat dapat ang aking anak?"
"Wala akong sinasabing ganun, yun ba ang iniisip mo?" Pabalik na saad ng reyna sa sarkastikong tinig kaya naman umigting ang mga mata niya ngunit pinilit niyang kumalma.
"Hindi kamahalan. Paumanhin, nabigla lamang ako."
"Hmm. Mabuti pa ay tumungo muna tayo sa kubo at doon mag-usap. Nagpahanda ako ng tsaa." Pagsesegway na lamang ng reyna at nauna na sa gazebo na naroon. Samantala, kuyom lamang ang mga kamaong bumuntong hiningi si Noble Consort Xiao bago sumunod.
Habang nag-uusap ay pumasok sa kanilang usapan si Consort Lawana na nabanggit ng reyna.
"Nagdadalang tao si Consort Lawana?" Malaki ang mga matang saad ni Consort Xiao.
"Tama ang narinig mo. Ano't tila gulat na gulat ka kung gayong alam mo na naman na simula noong magdalang tao ka ay sila ni Imperial Noble Consort Ling ang pinapaboran ng mahal na hari." Mahinahong saad ng reyna bago humigop ng kanyang tsaa.
"Ang ibig kong sabihin, ano't hindi ko ito alam. Hindi ba dapat ay naianunsyo sa buong emperyo ang kanyang pagdadalang tao?"
"Ano sa tingin mo ang dahilan?" Matalinghaga ang tinig na saad ng reyna kaya naman kumunot ang noo ni Noble Consort Lawana.
"Mahal na reyna, may ibig po ba kayong ipabatid?
"Isang prinsipe ang ipinagbubuntis ni Consort Lawana. Ngayun, anu sa tingin mo ang dahilan kong bakit hindi niya pa ito sinasabi sa mahal na hari upang inanunsyo ito sa buong emperyo? Batid kong higit sa lahat ay ikaw ang nakakaalam ng kasagutan jan, tama ba?"
"K-kung ganun, itinatago niya ang kanyang pagbubuntis sa takot na malaman ng lahat na isang prinsipe ang ipinagbubuntis niya matapos ang pagkamatay ng aking anak, ang siya sanang panganay na Prinsipe? Ngunit-- ngunit paano niyo nalaman ang tungkol dun gayung hindi pa ito naianunsyo sa emperyo? " Ngumisi lamang ang reyna sa sinabing iyun ni Noble Consort Xiao.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...