CHAPTER 66

838 24 0
                                    

Matagal natigil ang lahat dahil sa rebelasyong iyun. Bukod sa hari ay napako din ang mata ng lahat kay Noble Consort Ling while making fuss gossiping about her taking contraceptive tea.

Napalunok na lamang nun ng malalim si Imperial Noble Consort Ling na tumingin na lamang sa kawalan para iwasan ang mga matang nakapukol sa kanya lalong lalo na ang mga mata ng hari na noo'y nanlilisik. Naputol lamang iyun noong magsalitang muli si Noble Consort Xiao.

"Mahal kong hari, nagsasabi po ng totoo si Consort Lawana. Narito si Binibining Pim na siyang magpapatunay nun." Pagkasabi nun ni Noble Consort Xiao ay bumaling siya kay Pim na noo'y nakatayo sa gilid gayun din ang hari at ang iba pang tao na naroroon.

"Binibining Pim. Ikaw ang matagal nang kasama ng iyung amo na si Lady Ling magdadalawang taon na simula noong pumasok siya rito sa emperyo. Ngayun sabihin mo ang totoo." Muling saad ni Noble Consort Xiao.

Agad namang tumalima si Pim at lumuhod paharap sa hari. Naiilang niya pang bahagyang nilingon nun si Imperial Noble Consort Ling bago muling bumaling sa hari at yumukod.  "M-mahal na hari, t-totoo po lahat ng tinuran ni Consort Lawana. M-mayroon nga pong halamang gamot na pampa-dugo ang ibinibigay kong tsaa sa kanya araw araw ayun po sa bilin sa akin ng aking amo." Natigilan lamang si Imperial Noble Consort Ling sa tinurang iyun ni Pim ngunit nanatili siyang walang emosyon.

"Mahal kong hari, narito rin si Physician Chakru na napaimbestigahan ko na. Sa kanya kumukuha ng halamang gamot na tinutukoy ni Consort Lawana si Lady Ling." Agad muling sabat ni Noble Consort Xiao.

Halos hindi makapagsalita ang hari sa kanyang naririnig at napatingin na lamang kay Imperial Noble Consort Ling ng mariin.

"Mahal kong hari, may isa pa po kayong nais malaman."

"Isa pang dapat malaman?"

"Oo kamahalan at tungkol ito kay Consort Lhan sa ipinagbubuntis niya."

Napaayos ng upo ang hari dahil sa mungkahing iyun ni Noble Consort Xiao.

"Ano ang tungkol kay Consort Lhan at sa Prinsipe?"

Noon na tinawag ni Noble Consort Xiao si Maipan, ang lingkod ni Consort Lhan na agad ding nagpunta sa tabi ni Emperial Physician Trong at doon ay lumuhod kaharap ang hari.

"Mahal na hari, a-ako po si Maipan, ang matagal ng lingkod ni Consort Lhan at narito po ako upang ipabatid sa iyo ang katutuhanan sa likod ng malubhang karamdaman ni Consort Lhan at ang prinsipe sa kanyang sinapupunan."

"Ano ang tungkol doon?"  Pagkasabi na pagkasabi pa lamang nun ng hari ay agad ng yumukod si Maipan with her head on the floor bago magsalita.

"Kamahalan... Kung nakikita niyo po ay pareho pareho ng karamdaman si Consort Lawana at ang aking amo dahil ang ibig sabihin po nun ay iisang tao lamang din ang mayroong motibo sa kanila. Kamahalan, noong gabi pong nagkaroon ng pagdiriwang sa golden palace para sa kapanganakan ng mahal na prinsesa, si Imperial Noble Consort Ling po ang nag-abot sa akin ng tsaang ibinigay ko kay Consort Lhan para inumin. Wala po akong kaalam-alam nun sa plano ni Imperial Noble Consort Ling ngunit-- ngunit noong gabing iyun din po nagsimulang magkaroon ng sakit ang aking amo." Mahaba nitong pahayag kaya naman napatingin ang lahat kay Imperial Noble Consort Ling habang nagbubulung bulungan.

***
"Akala ko pa naman mabait, iyun pala ubod ng kasamaan!"
"Marahil naiinggit siya dahil hindi pa siya nagkakaanak."
"Ang taas pa naman ng tingin natin sa kanya, masama pala ang ugali niya!"
"Dapat lamang na tinanggalan siya ng selyo at isang Lady Ling na lamang ngayun."
****

Ilan lamang ang mga ito sa mga narinig ni Imperial Noble Consort Ling sa mga tao roon.

"Mahal na hari, napakasama pala ni Imperial Noble Consort Ling. Hay, hindi ako makapaniwala! Kaya niyang pumatay ng inosenting buhay para lamang magawa ang kanyang kagustuhan! Nararapat lamang na parusahan na siya!"

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon