CHAPTER 52

973 20 0
                                    


Ilang araw matapos ang pag-iisang dibdib nina Prinsipe Ri at Lady Khao na ngayun ay isa ng Madam Khao, ay lumipat na siya sa inner palace kung saan titira silang mag-asawa sa East Wing Manor, ilang metro mula sa Greenhill palace.

Dahil dito ay mayroon nang kaagapay si Noble Consort Xiao sa pagsasagawa ng kanyang mga balak  ngunit ito din pala ang magiging sanhi ng isang malaking kasalanan niya sa hari.

Katatapos lamang nun ng pagpupulong ng hari at ng mga kawani ng emperyo kasama na si Prinsipe Ri at ng Punong Ministrong Gao, ang ama nina Noble Consort Xiao at Madam Khao.

Matapos magpaalam ni Prinsipe Ri, ay sumunod na ring nagpaalam si Punong Ministrong Gao para puntahan ang kanyang anak.

Nadatnan niya ang dalawa niyang anak sa isang elevated gazebo sa hardin ng redhill palace kung saan ilang baitang ng hagdan muna ang kailangang akyatin.

"Mabuti naman at naririto ka rin Khao." Bungad nitong wika kaya naman bahagyang nagulat ang dalawa at kapwa tumayo para batiin siya.

"A-ama... Ano't naparito ka?" Gulat na tanong ni Noble Consort Xiao.

"Narito ako upang kumustahin ka at magpaalam jan sa sanggol sa iyung sinapupunan na pilit mong ikinukubli sa akin!" Mariin nitong saad kasabay ng pagsulyap nito sa tiyan ni Noble Consort Xiao.

"Ama... P-paano niyo nalamang nagdadalang tao ako?" Utal na tanong ng Consort na napahawak pa sa nakaumbok nitong tiyan. Noon naman bumaling sa kanya ang kapatid na si Madam Khao na nakangiti pa.

"Sinabi ko sa kanya." Maiksing  sabat nito kaya siya tiningnan ng masama ni Noble Consort Xiao bago bumaling sa kanilang ama.

"Ama, hindi kasama sa mga plano natin ang pagbubuntis ko kaya alam kong hindi niyo ito magugustuhan kaya aking inilihim!"

"Batid mo naman pala! Hindi kasama sa plano ang batang iyan at magiging sagabal lamang iyan kaya kailangan niyang mawala!" Nanlaki ang mga mata ni Noble Consort Xiao sa tinurang iyun ng kanyang ama at napahawak sa nakaumbok niyang tiyan na pilit niyang itinatago sa kanyang suot na royal robe.

Dahan-dahan namang lumapit sa kanya ang kanyang ama at humawak rin ng mariin sa kanyang tiyan. "Uulitin ko, makakasagabal lamang ang batang iyan sa ating mga plano kaya dapat lamang na mawala siya!"

"P-pero Ama, anak ko siya. Pitong buwan na akong nagdadalang tao, isa na siyang ganap na tao, dalawang buwan na lamang at isisilang ko na siya!" Nanginginig niyang sagot ngunit ngumisi lamang ang kanyang ama.

"Isisilang at ano? Alam mo kung ano ang batas at tradisyon pagdating sa ganyang bagay. Kapag nanganak ka, dalawang taong hindi sisiping sa iyu ang hari. Mananatili ka lamang sa iyung palasyo upang alagaan ang iyung anak at maari lamang kitain ang hari kapag ninais nito! Ngayun sabihin mo sa akin, paano mo maisasagawa ang ating plano kung dalawang taon kang mananatili dito sa redhill palace? Paano ka magiging Reyna ng Mainland Empire sa lalong madaling panahon? Hindi na ako makapaghintay Xiao! Ano mang panahon ay maaring mayroong digmaan na namang maganap at bilang Punong Ministro ng ministeryong pandigma ng Grand Empire, tungkulin kong sumuong sa digmaan, paano kung iyun ang aking katapusan hah? Edi hindi na ako kailanman magiging hari? At alam mo kung bakit? Dahil jan sa dinadala mo kaya kailangan niyang mawala! Naiintindihan mo ba?!" Napalunok lamang si Noble Consort Xiao dahil sa narinig.

"Ama... i-isa pong Prinsipe ang magiging anak ko. Ito ang magiging panganay na anak ng hari na lalaki kaya ito ang hahalili sa kanya sa trono. Pag-katapos ng dalawang taon, nakatitiyak akong dahil sa batang ito ay madali na lamang sa akin ang maging reyn--"

"Madali?! Tingnan mo nga, hanggang ngayun ay isa ka paring hamak na noble consort! Ni hindi mo manlang maiangat ang iyung estado at palitan si Imperial Noble Consort Ling! Isa pa hindi na ako makapaghintay pa kaya sumunod ka na lamang. Hindi mo bubuhayin yang batang yan, maging reyna sa lalong madaling panahon, at tulungan akong maging hari ng Grand Empire. Maari ka lamang magbuntis at magsilang ng magiging susunod na hari nitong Mainland Empire kapag nangyari na ang lahat ng plano natin, naiintindihan mo ba?!"

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon