CHAPTER 70

995 13 0
                                    


"A-ummm, K-Kamahalan, patawad ngunit kailangan na po nating bumalik sa emperyo. Baka tuluyan na pong maghinala ang mahal na reyna kung hindi ka na naman niya mahagilap ngayun sa inner-palace lalo na't kaarawan ngayun ng mahal na prinsesa." Malumanay na pahayag ni Ginoong Khut habang nasa likod ng hari na noo'y nakamasid sa veranda ng mansion mula sa malayo.

Wala lamang imik nun ang hari na tila walang narinig.

"Kamahalan...hindi ko na po mabilang kung ilang beses na po tayong pabalik-balik dito simula noong lisanin ni Lady Ling ang emperyo. Alam ko namang dalawang-oras mahigit lamang ang layo ng Thailand dito ngunit malayo na rin po iyun kung tutuusin." Muli na namang mungkahi ni Ginoong Khut.

"Ginoong Khut, sabihin mo na lamang ng deretso ang pinupunto mo." The king just said flatly while still staring straight to where Lady Ling was.

"Ah k-kasi kamahalan, kung lagi lagi rin lang naman po nating ginagawa ito, bakit kaya hindi niyo na lamang bawasan ng isang taon ang sentensya ni Lady Ling para dalawang taon na lamang nang sa gayon ay makasama mo na siya ngayun din mismo." Sutil namang mungkahi ni Ginoong Khut.

"Ginoong Khut, naaalala mo pa ba iyung sinabi ko sayo noon noong gabi ng alis ni Lady Ling?"

"Ah- o-oo mahal na hari. Kung ganun ay papanindigan niyo parin iyun?"

"Oo naman, bakit hindi. Sabina is the most precious person to me but all these years, I have been making her life hard and complicated so I wanted to give her a break and get away from the uncomfortable life she has with me. I am the King now and no longer Argus, I have married the entire empire. I can't lose her but I can't let my people suffer also if I chose to just live as Argus and be with her living the life that she wants."

"Kung gayun ay hindi niyo na po talaga siya pipilitin pang bumalik sa emperyo kung iyun ang naisin niya?"

"About that...ummm, o-of course I'm still hoping for her to choose me this one last time but... after one more year, if ever or if she doesn't want me anymore, even before she asks for it...I-I'll let her go." He asserted seriously and emotionally kaya naman maging si Ginoong Khut ay tila nasaktan.

"K-Kamahalan...." Saad pa nito.

"That's enough! Seeing her away like this is more than enough. Let's just go before the Queen finds out that I'm out." Buntong hiningang saad na lamang ng hari before he turned his back and began to walk as he puts on his sunglasses.

Agad na lamang na sumunod si Ginoong Khut matapos muling sulyapan ang veranda ng mansion sa di kalayuan.

...

"Uhmm, I-Ivanka..."

"Sabina bakit, okay ka lang?" Agad namang mahinang saad ni Ivanka na noo'y nasa veranda din.

"Uhmm, m-may nakita ka bang tao banda roon?" Saad ni Sabina na noo'y nakapako ang tingin sa magubat na likurang bahagi ng mansion kung saan nakaharap ang veranda na kinaroroonan nila.

"T-tao? Paano naman magkakatao jan, anong gagawin nila jan?" Pagtataka namang tugon ni Ivanka stretching her neck to look around.

"Eh, parang may tao akong nakita eh kaya lang noong lingunin ko ulit wala na."

"Naku alam mo Sab, that's impossible. Namamalikmata ka lang for sure."

"You think so? Kung sabagay tama ka baka nga namamalikmata lang ako."

"Naku napapadalas na yan ah."

"You know what, one month since I came back here two years ago, doon ako nagsimulang mag-isip na parang may tao sa banda riyan watching over me. It feels weird, I feel like merong nakamasid sa akin lagi."

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon