CHAPTER 46

1K 18 0
                                    


"AAARGHHHH!!!!" galit na sigaw ni Consort Xiao habang nagwawala sa kanyang silid pagka-alis na pagka-alis pa lamang ni Ginoong Khut at iba pang kawal na naghatid sa kanya sa kanyang palasyo.

"M-mahal na Consort, kumalma po kayo." Alala namang awat sa kanya ni Binibining Nam ngunit patuloy parin siya sa pagwawala. Nagtagal iyun ng ilang minuto bago siya kumalma sa wakas.

"At talagang binabaliwala niya ako dahil sa malanding babae na yun!!! Gaganti ako! Isinusumpa ko, gagawin ko ang lahat para pabagsakin ang Imperial Noble Consort Ling na yan at pagsisisihan ng hari na siya ang pinapaboran niya! " Kuyom ang mga kamaong saad pa ng Consort habang siya at nakaupo. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit ng mapalitan ito ng pagkagulat dahil sa pagsulpot ng isang panauhing hindi niya inaasahan.

“At ano naman ang silbi ng pag-iyak iyak mong iyan kung puro ka lang naman plano?” Sarkastikong bungad ni Lady Khao, ang nakakatandang kapatid niya na noon ay kapapasok lamang sa kanyang bulwagan.

“K-Khao? Anong ginagawa mo rito?!” nanlalaki  ang mga matang bulalas niya na noo’y napatayo pa mula sa kanyang upuan.

“Ano pa, edi dinadalaw ang mahina kong kapatid na hanggang ngayun ay isa paring hamak na Consort.” Sarkastiko nitong tugon bago ngumisi.

“Pinapunta ka ba dito ni Ama?”

“May pinuntahan akong tao sa outer-palace ngunit naisipan kong tumuloy narin dito sa inner-palace tulad ng bilin ni Ama kaya sabihin na nating oo dahil nais niyang tulungan kitang maisagawa ang nais niya sapagkat ayaw niyang kapag nagbalik siya mula sa digmaan ay isa ka paring hamak na Consort at hindi manlang makaangat-angat!” matalas ang dilang tugon nito bago naupo sa trono niya. Kuyom lamang ang mga  palad niya sa inis ngunit wala siyang magawa. Sinundan niya lamang ng tingin ang atribida niyang kapatid na komportableng nakaupo sa upuan niya.

“H-hanggang kelan ka mananatili dito? Alam ba ng hari na narito ka?”

“Hindi at hindi rin naman ako magtatagal. Narito lamang ako para bisitahin ka at bigyan ka ng isang payo para mapadali ang tungkulin mong inagaw mo mula sa akin?"

“A-anong ibig mong sabihin?”

“Alam mo tuso ka lang ngunit mahina ka parin. Hindi ka magtatagumpay kapag ganyan ka lamang. Alam mo kung gusto mong mamingwit at makahuli ng isda kakailangin mo ng ipangpapain. Yung pain na iyun ang magdadala sa iyo ng tagumpay…” Marahan ngunit mariing saad pa nito bago siya tinapik ng marahan sa balikat  at umalis na rin matapos mag-iwan ng isang ngisi.

Pabagsak siyang napaupo  pagka-alis na pagka-alis pa lamang ng kapatid niya. “Kahit kalian talaga napaka-atribida mo Khao! Argh! Nakakainis!” inis niyang bulalas ngunit maya-maya rin ay kumalma siya nang lumapit si Nam sa kanya.

“Mahal na Consort, ano pong ibig sabihin ni Lady Khao sa tinuran niya kanina?” tanong nito kaya naman napaisip din siya at ngumisi pagkatapos.

“Consort Xiao, bakit po kayo nakangiti?"

“Dahil may naisip akong isang bagay na natitiyak kong magpapabagsak kay Imperial Noble Consort Ling…”

“Ano po iyun?”

“Tama si Khao, para makabingwit ng isda, kakailanganin ko ng pain at alam ko na kung sino.”

“S-sino po Consort Xiao?”

“Yung alalay ni Imperial Noble Consort Ling, nasaan?”

“Alalay? Si binibining Pim po ba ang tinutukoy niyo?”

“Pim? Tama, siya nga. Nasaan siya?”

“Ngayun po? Marahil ay nasa palasyo po siya ng greenhill.”

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon